Volume 2 · Chapter 54: Breakfast

445 23 11
                                    

Isang napakahabang lamesa ang agad na bumungad sa akin. Sari saring mukha ang sumalibong sa kin.

Dahan dahan ako lumakad papasok. Di ko mawari kung anong emosyon ang ipapakita ko.

Masaya silang lahat na nakatingin sa akin. Napakadami nila. Pero isang bagay lang ang napansin ko. May tatlong upuan ang bakanti. Dalawa sa may bandang dulo at isa sa bandang unahan.

"Halika dito Cyrill." utos ni Dad na agad ko sinunod. Umupo ako sa unahang bahagi

"Bilang selebrasyon ng aming pagbabalik ng aking anak ay pinatawag ko kayong lahat."

"Hindi talaga bagay BJ. Pfft." isang ginoo ang tumawa sa kanyang sinabi

"Tatampalin kita Bale."

"Dapat kasi magpakilala muna tayo. Tiyak naman ako hindi lahat kami ay naalala pa ng aking pamangkin." sinserong nakatingin sa akin na sinabi iyun naman ng isa pang ginoo ng kamukha din ng naunang nagsalita

Kambal sila?

"Umpisahan na natin sa pinakapangit." sabi ni Kuya Charles

"Law!" sabay sabay na sigaw ng lahat

"Anong ako? Hoy mas gwapo ako sa inyo!"

"Pinakagwapo ang pinakamatanda." sagot ng hari sa kanya

"Ano? Edi si Leticima ang pinakagwapo at si John?!" napatingin kaming lahat sa mga binanggit niyang pangalan

"Hindi si Xiron." natatawang sagot ni Leticima. Aba andito na pala yan.

"Ano? Tigilan niyo ako ah." pikon na sagot ni Law

"Inaso ka na naman!" hinagisan siya ni Kuya Cyprus ng kutsara pero agad naman niyang nasalo ito, "Magpakilala ka na lang!"

"Che! Kilala na niya ko. Hmp." nakapout niyang sabi, "So cyrill. I'm Law and this is my wife Abegail. And my sons, Lawrence and Leighton." pagpapakilala niya sa kanyang pamilya

"Hi! I'm Cyprus. Your brother. This is my wife Bea. And this my daughter Zoe and Allison. Your niece."

Uso pala kambal sa amin.

"Ay by family ba? Di naman ako naiform." sabi nung isa sa kambal kanina. "Ako na magpapakilala." tumayo siya at lumakad sa gawi nila creed

"Eto si Cyrus, Seven, Cyrene, Creed, Sierra, Trixie, Hope, Biendette, Charles, Hell, Jagger, Demeclaire ang pangit kong kakambal, Avril, Ako-- si Vlademaire ang gwapo mong tito, asawa ko si Bukoo este Steffanie, si Vladelias anak namin, at si Vladeveza, two vacant seats." bigla siyang napatigil sa paglalakad niya at pagturo sa mga upuan ng matapat siya sa dalawang bakanteng upuan

"Namatay na anak ko. This seats are reserve for them. Vladelor and Vlademir."

"This is James, and her daughter Lynyx. Tapos ang pangit mong tatay si Bj." aniya matapos niya isa isahin ang lahat ng nasa lamesa

Mabuti na lamang matalas ang aking memorya at magagawa ko silang tandaan. At nakatulong pa na kilala ko na ang iba.

"Hay nako Bale. Baliw ka pa rin hanggang ngayon." ani ng dating hari sabay buntong hininga.

"Da." pilit niyang pinaarte ang kanyang boses pero dahil lalaki siya ay di niya magawa, "Gutom na ako tapos ang tagal niyo pang magpakilala. So tara kainan na!" masaya siya bumalik sa kanyang upuan

Napatingin ako sa hapag kainan tanging mga pitsel ang laman nito. May mga baso rin sa tapat namin.

"Masarap ang blood wine na ito Cyrill." sabi ni Ate hell at nilagyan ang aking baso, palibhasa ay magkatabi lang kami.

Si dad ang nakaupo sa pinakadulo ng lamesa samantala nasa kanan niya si Kuya Charles at nasa kanan naman kami ni Ate Hell

Pasimple akong tumingin sa aking katabi na hindi namamansin at tahimik lamang na nainom ng dugo.

Pilya akong napangiti ng may maisip akong gawin. Inilapat ko ang aking kamay sa pisngi at ganun na lamang ang gulat niya na nahulog pa siya sa kanyang upuan.

"Kung di lang siya ang prinsesang nawala mapapakasalan ko na siya. Pero shet! Ang gwapo ko pero di ako napatol sa kamag anak ko."

Nabasa ko sa kanyang isipan. Bahagya akong natuwa sa aking kapangyarihan. Nababasa ko ang mga saloobin at maaring makita ang mga nasa isip ng isang tao o bampira kapag hinawakan ko sila sa kahit na anong parte ng katawan nila.

"Jagger." banta ni Dad sa kanya

"Siya kasi eh." sigaw niya sabay turo sa akin

"Alam kong awkward aking hadiya pero makakamove on ka din." sabi ni Tito Bale

"Feeling bata? Apo mo na yan." wala namang emosyon na sabi ni Tito James

"Shut up James. Inggit na naman sa kin."

"Ano na naman ikaka inggit ko sayo?" isang masama at matalim na tingin ang ipinukaw ni Tito James kay Tito Bale

"Mas bata ako sayo." sagot ng ginoo sabay dila

Malakas tawanan ang namayani sa hapag kainan.

Napakasaya. Napakasayang kumain kasama ang pamilya.







To be continued ....

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon