Volume 2 · Chapter 53: Little talk

432 25 2
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ma dumadagundong sa buong kwarto na naririnig ko hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng tenga ko.

Tumayo ako at kinusot ang mata ko. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa wall at mag aalasais na pala.

Tumingin ako sa gawi ni Leticima na nagpapatugtog ngayon. May hawak hawak syang brush sa kaliwang kamay at cellphone sa kanang kamay.

May isa pang cellphone na nakakabit sa speaker na dahilan para magising ako.

Mukha naman naramdaman nya ang presensya ko at tumingin din sa gawi ko.

Nagulat sya kaya bigla nya pinukpok ang cellphone nya na para bang may maggagawa iyon, para mapatay ang lintek na tugtog na yun.

Tinignan ko sya ng masama at saka tumayo sabay tuloy sa cr. Pero di ko pa naiisara ang pinto ng maalala kong wala akong dala na pamalit. Lumabas ako at kumuha ng pamalit, pero muli akong napatigil dahil naalala ko na wala kong pamalit.

Tahimik na nag abot ng isang bag na papel ang ginoo at di ko kumibo na kinuba ito. Nang makakuha na ako ay lumakad na ako pabalik pero may kumalabit sa akin.

"Hehe. Sorry na." nahihiyang sabi nya. Inirapan ko sya at nilagpasan saka pumasok sa cr.

Habang nasa loob ako at naliligo ay naisip ko bigla ang mga bagay na nangyari kahapon, masaya akong napangiti nang maalala na nakasalamuha ko na ng aking tunay na pamilya. Hindi ako pwedeng magtiwala sa kahit na kanino pero di ko magawang bahiran ang pagtitiwala sinula ng malaman ko na sila pala ang pamilya ko.

After all this time. Nakakasalamuha ko na pala ang aking mga kamag anak. Ang mga bampira na nakikita ko sa Lape resort, sila pala ang aking mga pinsan. At ang malala ang lalaking pumoporma sa akin ay akin palang pamangkin.

Hindi ko alam ang totoong nangyari at baka sa bawat malalaman ko ay maaring mapahamak ako. Pero dahil kasama ko na sila ay magtitiwala ako dahil alam ko di sila gagawa ng ikapapahamak ko.

Good observation. Be aware of everything because that observation may kill you.

Tahimik kaming naglakad sa mahabang pasilyo na aming pinuntahan ngayon. Ito ang aming bahay. Sa totoo lang hindi ito bahay. Isa itong mansion.

"Ako ang naatasan na ihatid ka sa dinning." pinipilit na sirain ni Leticima ang katahimikan na namamayani

"Hindi ka ba na-o-awkard-an?" Tanong ko sa kanya

Umiling muna siya bago nagsalita.

"Hindi naman." aniya sabay tawa, "Natatawa nga ako eh. Kasi after all this time yung babaeng minamatyagan namin siya palang nawawalang prinsesa."

Tumigil kami sa harap ng isang malaking pintuan. Hinawakan niya ko sa balikat at nginitian.

"Masaya kong kumpleto na kayong pamilya. Sana ay magtagal ito."

"Magtatagal ito." confident kong sabi sa kanya

"Hindi natin masasabi." tinanggal niya ang kamay sa balikat ko at namulsa "Ilang taon na kaya ang lalaking ito. Kung titignan mo siya sa malayo ay di mo siya aakalain na lalaki. Dahil sa sobrang gwapo niya ay para na siyang babae. Para si tito James. Mas gwapo pa siya sa aking ama.

"Hanggat hindi nagbabago ang isip ni Xiron magtutuloy ang lahat ng ito." Xiron?

"Ang masasabi ko lang huwag kang gumawa ng kasalanan at pagkakamali na hindi mo kayang panindigan."

"May pagkakamali bang kayang panindigan?"

"Oo. Kaya sa bawat desisyon na gagawin mo pag isipan mo maigi."

Saglit akong natawa dahil sa.sobrang seryoso ng aming pinag uusapan.

"Ginoo isa ba itong babala?"

"Maari. Pero isa itong pangaral. Sige na pumasok ka na. Hinihintay ka na nila." tumango siya kaya humarap a ako sa napakalaking pintuan

Unti unti bumukas ang malaking pintuan dahilan upang unti unti ko din makita ang mga bulto na nasasabik kong makasama.





To be continued ...

The Vampire's CreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon