This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Roselle's POV
Our Lady of the Sacred Heart Academy, 2003
Maaga akong pumasok ngayon. Ay, araw araw naman pala akong maaga pumasok.
Naglakad ako sa corridor at pinuntahan ang kaisa-isang locker na pinupuntahan ko araw araw.
Napangiti ako ng makita ko yun. Hinawakan ko yung sarahan. Hindi ako nadismaya kahit na naka-lock yun. I have a duplicate key. Bakit? Magaling ako eh.
Binuksan ko yung locker. Tumambad sakin yung gamit ng may ari nun. Napailing ako. Araw araw na lang na nakikita kong magulo to. Ibinaba ko muna yung dala dala ko at inayos yung gamit sa loob ng locker. Napangiti ako.
Nung naayos ko na, inilagay ko sa loob yung dala kong tatlong cupcake na ako mismo ang nagbake.
Nilagyan ko ng note na idinikit ko sa labas ng kahon.
Goodluck sa Exam mamaya. I know you can do it! ^_^
-R
Isinara ko uli yung locker at ini-lock.
Nag ha-hum pa ako habang papasok sa classroom ko.
Umupo ako at nagsulat sa diary ko.
Dear diary,
Naibigay ko na yung cupcake na ginawa ko. Sa tingin mo magugutuhan nya kaya yun? Sana lahat ng cupcake na ibinibigay ko sa kanya, magustuhan nya. Sa tingin mo, kilala na nya ako? Mukhang malabo no? Sino ba namang kasing gwapo nya ang papansin sa ugly duckling na kagaya ko?
Pagkatapos kong magsulat. Isinilid ko na yung diary notebook ko sa bag at nangalumbaba sa sa armchair ko.
Siguro na wiwierdohan kayo sakin no?
O sige na, magpapakilala na ko.
Ako si Roselle Banua. 1st year highschool. Maitim, pro sabi ng nanay ko morena daw ang tawag sa kulay ko. Pero para sakin maitim ako. Ang puputi kasi ng mga classmate ko eh.. May makapal na salamin ako sa mata. Mahilig ako magbake. Pero isang tao lang ang ipinagbebake ko ng buong puso.
Ang corny ko no?
Hobbies ko?
Ipagbake ng cupcake araw araw si Kavs Santillan.
Ang ultimate crush ko. I mean, naming lahat. Campus crush eh.
Pero syempre, mas dakila ako sa lahat ng nagkakagusto sa kanya. Araw araw ko ba naman sya ipinagbebake ng cupcake eh! With matching note pa ha?
Ang kaso, kahit ako ang pinakadakila, ako din ata sa lahat ang hindi nya kilala.
Unfair talaga ng buhay minsan eh.
Napadiretcho ako ng upo ng makita ko si Kavs na naglalakad sa tapat ng Classroom ko. Papunta siguro sya sa classroom nya. O siguro sa locker nya. Maaga din syang pumapasok kagaya ko.
Mabilis akong tumayo at tahimik na sinundan ko sya.
Tama nga ako. Sa locker nya sya unang pumunta. Nakasilip lang ako sa pader.
Nakita kong nagulat yung mukha nya pagbukas nya ng locker at inilabas yung cupcake na bigay ko.
Binasa nya yung note na nakasulat. At bumilis yung tibok ng puso ko ng makita ko na ngumiti sya.
Kanina parang walang buhay yung mata nya. Napangiti sya ng cupcake ko!!!!!
Parang gusto kong tumalon at tumili sa tuwa. Pero hindi pwede, baka marinig nya ko. Mahirap na.
Kinuha nya sa box yung cupcake at kinagat.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Nakita ko na natigilan sya pagkakagat at tinitigan yung cupcake na hawak nya.
Again, nawalan na naman ng buhay yung mata nya.
Napakunot noo ako. Hindi kaya masarap?
Ibinalik nya sa kahon yung cupcake at basta nalang iniwan sa baba at umalis na.
Pagkakita ko sa ginawa nya parang minartilyo yung puso ko. Hindi nya nagustuhan yung cupcake ko?
Lumapit ako sa cupcake. Kinuha ko at binuksan. Kinagatan ko yung cupcake na binawasan nya.
Napaiyak ako pagkakagat ko. Masarap naman ah. Pero bakit hindi nya nagustuhan?
Umiiyak na kinuha ko yung cupcake at pumasok na uli sa classroom ko.
Ipapakain ko na lang kay ate Rm to kung ayaw nya.
Buong maghapon akong badtrip.

BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomantikQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...