Chapter 38
Roselle’s POV
“What?!?” Sigaw ko sa kabilang linya ng cellphone ko.
“I’m sorry…” Mahinang sagot ni ate Rm sa sigaw ko.
“Ate, nababaliw ka na ba? Anong pumasok sa isip mo? Saan ba yan eksakto. Susunduin kita.” Natatarantang sagot ko.
Oo, nasigawan ko na si ateRm. I can’t help it. I called her a while ago to check on her. Then I heard her cry. I asked where she is. Nasa terminal daw.
And she’s waiting for Virg..
They are planning to runaway!
Pag nalaman to nila mama, baka ikulong na kami sa bahay. Anong problema ni ate Rm???
“Don’t please.” Sogot nya sakin. “Hayaan mo na muna ako. I’ll be fine.” Dugtong nya.
“Ate. Pag nalaman to nila mama, patay ta---.” Toot toot toot. Pinatay na nya yung phone nya.
“Shiz!” naibulalas ko at di-nial ko yung number ni Kavs.
“Hello? Nasaan ka? Can you pick me up now please?” Natatarantang sabi ko.
“Hello, Roselle?” Boses ng babae yung narinig ko.
Parang gusto ata sumabog ng ulo ko. Bakit babae yung sumagot?
“Hello? Sino ka? Bakit nasayo yung cellphone ni Kavs?” Medyo mataray na sagot ko.
“Ah. Si Nurse Kc to. Nandito kasi sa infirmary si Kavs. Nagkaroon sya ng mild injury dahil sa--.”
“Po?!” medyo pasigaw na sagot ko. Nawala yung inis ko pero napalitan ng pag-aalala nung narinig ko yung salitang injury.
“Ah, pumunta ka na lang dito. Pero wag kang mag-alala, okay na sya.”
Hindi na ako sumagot at tumakbo na papuntang infirmary.
Sinalubong ako ni nurse Kc.
Ngumiti lang sya sakin at itinuro yung kwarto ni Kavs. Ngumiti din ako. bigla akong nahiya sa inasal ko kanina.
Pabigla kong hinawi yung curtain. Nakita ko si Kavs na nakahiga. Una kong tinignan yung katawan nya. Walang injury. Pero pagkita ko sa mukha nya. May pasa sya sa gilid ng labi at sugat sa bandang kilay. Nakipag away ba sya?
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...