Hi Ganda..

406 6 0
                                    

CHAPTER 4

Roselle’s POV

 

St. Anthony University, 2010

 

TINITIGAN KO YUNG SARILI KO SA HARAP NG SALAMIN.

7 long years has passed. Ngumiti ako. Ang dami na nangyari. Sinuri ko yung sarili ko.

Hindi na ako maitim gaya ng tingin ko sa sarili ko dati. Thanks to whitening soap and lotions. Pero hindi naman ako OA sa puti. Mas better lang than before. Hindi na rin sa gitna ang hati ng buhok ko at hindi na rin ako nagsususot ng makapal na salamin. Napacorrect na yung mata ko nung 4th year highschool ako.

I’m 19 now. 3rd year college. Graduating na. ko 

Trimester kasi kami kaya maaga ang graduation namin. Yung 4-year course, 3 years lang samin.

“Ate Rm! Dalian mo! Nandyan na sila Xander!” sigaw ko kay ate Rm.

Papunta kami ngayon sa Nueva Ecija. 18th birthday kasi ni Rona at dun nya isecelebrate.

“Andyan na!” sigaw nya at lumabas na kami ng bahay.

“Ang tagal nyo naman! Tinubuan na kami ng ugat dito.”  Sabi ni Rona habang nakasandal sa sasakyan ni Xander. Si Xander naman, kinuha yung bag namin at nilagay sa compartment.

“Oa mo talagang babae ka. Asan yung ugat mo? Akina at ng magawang tsaa.” Pang aasar ko sa kanya.

Tumawa sya. “Actually, natimpla at nainom ko na, ang tagal nyo eh. Tara na nga!” pumasok na kami sa sasakyan.

PAGDATING NAMIN KILA RONA, NAKAHANDA NA AGAD YUNG LUNCH NAMIN.

Pagkakain, pinagpahinga muna kami ni Tita Raquel, mama ni Rona. Maganda yung kawarto namin. Ang presko tignan at sa pakiramdam. Siguro na excite ako masyado kasi lumaki ako sa Manila. Ngayon lang ako nag out of town ng hindi kasama ang buong pamilya.

Kinabukasan ang sarap ng gising ko. Wala na si ate pagkagising ko eh. Sabagay, lagi naman sya nauuna nagigising sa akin.

Naligo muna ako at bumaba na. Sa likod bahay ako dinala ng paa ko.

Namangha ako sa nakita ko. Hindi ko alam na may ilog pala dito. Ang ganda!

Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Yung tipong paglabas mo sa likod bahay ito agad yung sasalubong sayo.

Ang presko.

Lumapit ako sa tubig. Dun sa mababaw na part. Ang linaw ng tubig. Umupo ako at pumulot ng maliliit na bato. Pagkatapos tumayo ako ulit.

Isa isa kong binato sa ilog yung mga bato na pinulot ko.

“Good morning ganda!” napapitlag ako pagkarinig ko ng boses na yun.

Lumingon ako. si Kavs.

Umirap ako sa kanya at itinuloy yung ginagawa ko.

Lumapit sya sakin at nagbato rin ng mga bato.

Gaya gaya tong lalaki na to ah.

“Ang sweet naman ng pagbati mo sakin.” Natatawang sagot nya.

Bakit ba nandito to? Invited din sya? Bakit hindi ako sinabihan ni Rona?

Teka. Bat ba ako nag iinarte, hindi naman ako ang may birthday ah? Pagkausap ko sa sarili ko.

Malamang, invited sya. Tropa sya ni Xander eh. Eh bestfriend ni Rona si Xander.

I forgot to tell pala. The Kavs who’s standing here right next to me was the same Kavs I fancied 7 years ago.

When we are in second year high school, he transferred in another school. I don’t know where, but I’m sure it’s somewhere in America.

Mas okay nga yun eh. Mas mabilis ko sya nakalimutan.

Pero sa kasamaang palad. Nung second year college na ako, nakita ko sya sa stage ng school namin.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon