CHAPTER 3
Roselle’s POV
One week na after nung nag usap kami. Tinupad ko yung sinabi nya na wag ko na syang bigyan ng cupcakes. Pero gumagawa pa din ako, hindi ko na nga lang ibinibagay sa kanya.
Recess. Mag-isa lang ako ngayon. Absent kasi yung kaibigan kong si Mary.
“Hey! Cupcake Girl!” narinig kong sigaw ng maarteng boses.
Lumingon ako. Nakita ko si Zen. Ang pinaka brat at pinakamaarteng babae sa buong school namin.
Lumapit sya sakin.
“Bakit?” tanong ko.
Nag crossed arm. “So ikaw pala ang admirer ni Kavs na consistent sa pagbibigay ng cupcake?” she grinned and looked at me from head to foot.
“Pano mong nalaman?”
“I have my source.” Tinulak nya ako sa balikat. “How dare you giving my Boyfriend stupid cupcakes?”
Napakunot noo ako. “B-boyfriend?” tanong ko.
“Oo. Boyfriend. Bakit ka nagulat? Umaasa ka na ikaw ang magiging girlfriend nya?” Tumawa sya ng maarte. “Wake up girl. A prince will never be with an ugly duckling like you.”
Nasaktan ako sa sinabi nya. Okay lang naman sakin ang hindi magustuhan ni Kavs eh. Tanggap ko pa. Pero ang maging girlfriend nya ang hitad na to? Parang ang hirap ata tanggapin.
“Aalis na ko.” Paalam ko. Masabuti pang umiwas na lang ako.
“Wait.” Hila nya sa braso ko. “Anne. My juice please.” Maarteng sabi nya sa kaibigan nya. Inabot naman ni Anne yung juice kay Zen. Humarap sya sakin.
“You forgot something.” Bigla nyang ibinuhos sa damit ko yung juice. Napasinghap ako.
“Zen!” narinig kong sigaw ng isang lalaki. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Nakita ko sa Kavs. Lumapit sya samin.
“What did you do?” galit na tanong nya kay Zen.
“Kasalanan nya yan.” Maarteng sagot nya.
Hinubad ni Kavs yung jacket nya at ibinalot nya sakin. Nasang basang na kasi yung blouse ko. Nakikita na yung panloob ko.
Pagkatapos nun, hinawakan nya yung braso ni Zen. “Let’s go.” At umalisna sila.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...