Chapter 46
Roselle’s Part
One week na lang at graduation na namin.
After naming magkita ni Kavs the night na hinatid ako ni Ian, parang naramdaman ko na medyo nanlamig sya.
Dahil pa rin ba yun doon o dahil busy lang sya?
Siguro busy lang sya?
“Hoy.” Tawag sakin ni Rona.
“Maka Hoy ka naman dyan! Asan si Xander? Bakit lagi ka yatang mag-isa ngayon?”
Lagi ko ngang napapansin na parang umiiwas si Rona kay Xander. Hindi ko naman matanong kasi marami din akong iniisip. Si ate Rm naman, mukhang medyo okay na sya. Sana nga.
“Ikaw, bakit lagi ka din mag-isa?” balik-tanong nya.
Oo, lagi din ako mag-isa. Si Kavs kasi, nag-advance exam na sya. Kaya hihintayiin na lang nya ang graduation. Masyado syang subsob sa trabaho sa opisina nila. O baka naman sinusubsob lang nya yung sarili nya dahil iniiwasan nya ako?
Umiling ako. Wag naman sanang ganun.
Sasagot na sana ako kay Rona ng mag-ring yung cellphone ko. Nag-excuse ako sa kanya at sinagot yung tawag.
“Hello tita Jamie?” Sagot ko sa mama ni Kavs.
“Iha, are you free today?”
“Ah, yes tita. Bakit po?”
“Nasa school ka ba? Susunduin kita.”
“Sige po tita. I’ll wait you.”
****
“Ano pong pag-uusapan natin tita?” tanong ko. nandito kami ngayon sa coffe shop malapit sa school.
“I need to talk to my son as soon as possible.”
“Bakit po?”
“Aalis na ako iha. Babalik na ako sa America.”
“Po? Bakit naman po agad agad?” tanong ko.
“It’s hard to explain iha. But I need to talk to my son now.”
Yumuko ako. “I’m sorry tita.. mukhang hindi na kita matutulungan this time. He got mad at me the last time he sees you. Kaya po--.”
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
Любовные романыQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...