Chapter 17
Kavs' POV
Everyday nakakatanggap ako ng mysterious cupcake.
Pero simula ng maghiwalay sila papa at mama, hiindi ko na tinikman yung cupcake.
Dahil kahit pa gaano katamis yun, nagiging mapait sya sa panlasa ko. My mother never came back. Ni isang tawag wala akong natanggap. It’s been a month. Si daddy, napapabayaan na ako dahil sinusubsob na nya yung sarili nya sa trabaho.
Hindi ko na kinakain yung cupcakes because it reminds me of my mother. She used to make cupcakes for me. Kalasa nga yun ng cupcakes na ibinibigay sa akin ni R.
One morning, maaga akong umalis ng bahay. I feel so gloomy. I’m starting to hate my father, because he forgot na may anak pa sya para magkaroon sya ng dahilan para ipagpatuloy ang buhay nya. Pero wala. Kinalimutan na nya ako..
Pagkarating sa school, dumiretso ako sa locker ko. nakita ko na naman yung isang kahon ng cupcake. Organized na din yung gamit ko. hindi ko alam kung bakit may nakakapagbukas ng locker ko, wala naman nawawala sa gamit ko.
Binasa ko yung note.
Goodluck sa Exam mamaya. I know you can do it!Please, always smile. It makes me feel happy when you do that. Isang ngiti naman dyan para may inspirasyon ako sa exam. ^_^
-R
Hindi ko alam kung bakit awtomatiko sumilay yung ngiti ko sa labi. Kinuha ko yung cupcake.
Wala sa sarili na kinagatan ko yun. Again, all I’ve tasted is bitterness.
Inilapag ko yung cupcake sa baba at basta na lang iniwan.
Naglakad ako at pumunta sa gym. Kumuha ako ng bola at nag shoot. Gusto ko lang alisin yung galit sa puso ko. galit na unti unti ng nabubuo.
Pagkatapos kong mapagod. Umupo ako sa bench para kunin yung face towel ko. Nakita ko yung note kanina na nasa cupcake. Binasa ko uli.
Goodluck sa Exam mamaya. I know you can do it! Please, always smile. It makes me feel happy when you do that. Isang ngiti naman dyan para may inspirasyon ako sa exam. ^_^
-R
Pagkatapos kong basahin, mabilis na tumakbo ako papunta sa locker ko para balikan yung cupcakes. Pero pagdating ko dun, wala na sya sa pinag-iwanan ko.
----End of flashback----
***
Roselle’s POV
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...