Why not you?

323 6 0
                                    

Chapter 25

Roselle’s POV

Lumingon na lang ako sa bintana. Hindi gaanong maganda yung panahon. Mukhang uulan.

Pamaya maya pa, hininto na nya yung sasakyan. Sa isang park kami. Hindi ko alam kung saang park to. Pero maganda.

Narinig ko syang huminga ng malalim.

“Why are you avoiding me?” medyo may hinanakit na tanong nya.

Lumingon ako ulit sa bintana. “Hindi kita iniiwasan.”

“Yeah. Tinataguan lang.” medyo asar na sabi nya.

Katahimikan…….

Bigla ng umulan. Wala pa rin nagsasalita samin.

Katahimikan ulit….. wala ng tao sa park, nagsi-alisan na dahil nga umulan.

“I like you….” Biglang sabi nya.

There. He said it. Time to go.

Tinanggal ko yung seatbelt ko at nagmamadaling lumabas ng kotse nya.

Oo, muka akong tanga sa ginawa ko. pero kasi, sabi nya he likes me?? Ano bang dapat kong isagot o sabihin? Hindi ko alam. Aalis na lang ako.

Hinabol nya ako. nung naabutan nya ako hinawakan nya ako sa braso.

“Bumalik na tayo sa loob. Baka magkasakit ka.” Nakita ko yung pag-a-alala sa mukha nya.

Inalis ko yung kamay nya. Hindi ako nagsalita.

“Magsalita ka naman please?”

Hinarap ko sya. “Ano na naman ba to Kavs? Kung pagtitripan mo lang ako, please. Wala akong panahon sa ganyan.”

Nakita ko yung sakit sa mata nya. “Hindi kita pinagtitripan. At kahit kailan hindi ko yun gagawin. I like you. No, let me rephrase it. I love you.”

Napaawang yung bibig ko.what the hell is he saying? Aware ba sya sa lahat ng sinasabi nya?

Umiling ako. “Kavs please. Stop saying nonsense.”

“This isn’t  nonsense. I love you Roselle. Matagal na.”

Umatras ako. I can’t believe what he is saying. Masyadong mahirap paniwalaan. Oo, lagi nya akong inaasar. Pero lahat naman ng panlalandi nya, hindi ko pinapatulan.

Because I’m afraid.

Afraid that I might fall hard on him. At nakakatakot na baka hindi na ako makabangon.

Umuulan na. Basang basa na kaming dalawa. Kami na lang ang nakatayo sa gitna ng park.

Nakatitig lang sya sakin. Yumuko ako.

What should I say? Should I say that I love him too?

Yes. I love him too.

Dati pa naman. Ang hirap lang aminin sa sarili ko.

Yumuko ako. kaya ko na bang aminin sa kanya?

Sa sarili ko nga, nahirapan ako sa kanya pa kaya?

“Why me?” mahinang tanong ko.

Kumunot yung noo nya. “Why not you?”

“You said you will never like me.”

Mas kumunot yung noo nya. “I never said that.”

“I heard you. Sa classroom. You we’re talking with Zen.”

“I remember saying na hindi ako magkakagusto kahit kanino. Wala akong sinabi na sayo. That time, I was really confused. I have family problems. My mom left my dad and my dad left himself and me. That is why when you confessed your feelings to me, I wasn’t able to believe you. Dahil ang nasa isip ko lang, baka katulad ka din ng iba. Na baka katulad ka din ni mama.” Biglang humina yung boses nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. So yun pala ang dahilan kung bakit lagi kong nakikita na parang walang buhay yung mata nya.

Lumunok ako. nakita ko na naman yung malungkot nyang mata. “Then, why now?”

Tumingin sya sa mata ko. “hindi ko alam kung kelan ko narealize na mahal kita. Nung nasa America ako, pakiramdam ko kulang ako. dahil wala ni isa man sa kanila ang nakakaintindi sakin. Ikaw lang. ikaw lang ang nag iisang tao na nakapansin ng lungkot sa mata ko. kaya nagpakagago ako para pabalikin ako dito sa pilipinas. Dahil gusto kong makita ka ulit. Gusto kong ayusin yung buhay ko.”

Niyakap ko yung sarili ko. medyo nilalamig na ako. nagulat ako ng bigla nya akong niyakap.

Isinubsob nya yung pisngi ko sa dibdib nya.

Naramdaman ko yung mabiliis na tibok ng puso nya. Imposible pala yon?

“Just let me stay by your side. Please, don’t push me away. Maiintindihan ko kung hindi mo na ako gusto, pero wag mo naman ako sanang ilayo sayo.”

Who says na hindi ko na sya gusto?

God knows how much I love him.

It’s just that I’m afraid. Afraid of getting hurt in the end. Because I know he’s a playboy. Pero ngayon na nalaman ko na ang dahilan, kaya ko pa ba syang itaboy?

Hindi na.

niyakap ko rin sya. “Sino may sabi na itataboy kita? Sabi mo mahal mo ko. at mahal din kita. wala ng bawian ha?”

bigla syang bumitaw sakin. Hinawakan nya ako sa balikat at iniharap sa kanya.

“What did you just say? You love me too?” hindi makapaniwalang tanong nya.

Ano pa bang gagawin ko? eh nasabi ko na? ngumiti na lang ako at tumango.

Napaawang yung labi nya. Talaga bang hindi sya makapaniwala? “Can you say it again, please?”

Aba! Demanding. Nasabi ko na nga eh. ipapaulit pa. pero dahil nga mahal ko naman sya talaga. Walang pag aalinlangan. “Mahal po kita.”

Lumawak yung ngiti nya at niyakap na naman ako. yung yakap na na-iangat na nya ako sa lupa at inikot sa ere.

“Ibaba mo nga ko. nakakahilo.” natatawang sabi ko.

Sinunod naman nya ako. pero hindi naman nya ako binitiwan. Tinitigan lang nya ako sa mukha.

Inalis nya yung ibang hibla ng buhok ko na kumalat sa pisngi ko. ngumiti sya. “I love you, my Cupcake girl.” And the he lean on me, I closed my eyes and the he kissed me.

Ito na ang simula. Hindi na ako matatakot.

Yes. I admitted my feelish for him that early. Pero yun naman talaga ang nararamdaman ko so why hide it? There’s no turning back now. Since, I already loved him. I should prepare myself for anything.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon