Chapter 45
Roselle’s POV
Hindi na ako tumanggi na magpahatid sa kanya. Inabutan ko sya ng tissue pagkapasok sa sasakyan. Pinunasan nya yung dugo nya sa mukha pero hindi na naalis yung ibang dugo dahil natuyo na at kumapit na.
Ang alam kong kailangan nya ngayon ay bulak, alcohol at betadine na mukhang wala sa sasakyan nya dahil naghanap ako.
Pinahinto ko sya sa nadaanan naming drug store kahit ayaw nya. Sa bahay na daw nya gagamutin. Kaya lang hindi ko matiis na makita yung mukha nya na duguan eh.
Nakapark kami malapit sa drugs store. Bumili ako ng alchohol, betadine, bulak at band-aid. Bumili na rin ako ng tubig dahil nauhaw ako sa mga nangyari. Hindi ko na sya pinalabas ng sasakyan dahil sa itsura nya.
Pagkapasok sa sasakyan nya, kumuha ako ng bulak at nilagyan ko ng alcohol at pinahiran ko yung sugat nya. Napasinghap pa sya.
Napailing na lang ako. Ano bang napapala ng mga lalaki sa pakikipag-away?
“Dapat talaga hindi mo na kasi sila pinatulan.” Sermon ko ulit sa kanya habang itinatapal ko sa sugat nya yung bulak.
Kinuha nya sakin yung bulak. “There’s no use of nagging at me. It already happened.”
Umiling na lang ako. Kumuha ako ulit ng bulak at nilagyan naman ng betadine. This time ako na ang nagpahid sa sugat nya.
“How are you?” natawa sya sandali. “Ngayon ko lang naisip na itanong.”
Piinagpatuloy ko yung ginagawa ko. “Fine.”
“How ‘bout you and Kavs?”
“Just fine.”
Tumango lang sya at umayos na sya ng upo. “Ihahatid na kita.”
Inilagay ko sa plastic yung mga gamit na bulak at umayos na din ng upo.
Sinulyapan ko si Ian habang nagmamaneho sya.
Wala na akong makapa na galit sa dibdib ko.. it’s a good thing right?
Kahit hindi sya nakatingin sakin, I can see the pain in his eyes. Maybe this is my talent? Seeing someone’s pain even if they are trying hard to hide it. I pity him. He thinks this is his Karma. But I don’t think so. Maybe.. this is his destiny. Maybe, Zen is not really for him.
Bumaling ako sa bintana. I wonder.. if Kavs is really for me. if we are really meant for each other.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
Storie d'amoreQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...