Ordinary Song..

376 4 0
                                    

CHAPTER 7

Roselle’s POV

 

Tahimik pa rin kaming dalawa habang pinapanuod yung mga nagsasayaw.

Napalitan na yung kanta. Ordinary song.

Tahimik pa din kaming dalawa.

Bakit ganun? Hindi ako naiilang kahit pareho kaming tahimik?

Sabagay. Peaceful nga naman, dahil yung pinakamadaldal na taong kakilala ko eh ang tahimik ngayon.

Pasimpleng sinulyapan ko sya. Nakangiti sya..

Parang tanga lang. Ano kayang nginingiti nya?

Ibinalik ko na lang yung atensyon ko sa mga nagsasayaw.

Just an ordinary song..

to special girl like you..

 

from a simple guy who’s so in love with you..

Napahinto ako sa tangkang pag inom ko uli sana ng juice.

Sinasabayan nya yung kanta..

And dang! What a voice! I know he’s a musician, pero ngayon ko lang narinig ang boses nya ng walang mic. Madalas kasi backing vocal lang sya kay Xander.

Bahagya ko syang nilingon.

I don’t even have the lips, to make you glance my way..

Napatingin ako sa labi nya. Perfect.

 

 the clothes I wear may just seem so absurb..

 

I looked at his body. He wears a simple longsleeve blue and black stripe shirt and jeans. Still he looks so.. perfect.

Palihim na tinitignan ko lang yung galaw ng labi nya.

At shet na malagkit! Yung puso ko ayaw kumalma!

Ano bang meron eh kumakanta lang naman sya?

 

 But deep inside of me is you, you give life to what I do..

 

 All those years may see you through, still I’ll be waiting here for you..

 

If you have time please lend an ear to this ordinary song.

 

Hindi pa din nya napapansin yung pasimpleng pagtitig ko sa kanya. Nakangiting nakatingin lang sya sa kawalan habang kumakanta.

Just an ordinary song to a special girl like you

 

From a simple guy who’s so in love….

 

Bigla syang lumingon sakin. Huli na para umiwas ako. Kaya sinalubong ko na lang yung tingin nya.

With you…

He looked deeply into my eyes. Hindi ko maintindihan yung emosyon na nakikita ko sa mga mata nya.

Nag iwas ako ng tingin at dahan dahang huminga.

Medyo kumalma ako. Hindi ko napansin na the whole time na nakatitig ako sa kanya eh pigil ko yung hininga ko.

Ano bang problema ko? Diba dapat lumalayo na ako sa kanya? Diba dapat iniiwasan ko sya? Eh anong ginawa ko? Pinagsawa ko pa yung mata ko kakatitig ko sa kanya.

 

“Ang ganda ng boses ko no? Bilib ka na sakin ganda?” mayabang na sabi sakin ni Kavs.

Sira ang moment. Umiral na naman ang pagkahambog ng lalaki na to.

“Ppssh. Mas maganda pa din boses ni Xander no.” sabi ko na lang para mapagtakpan yung nagwawala kong damdamin!

Shet kasi! Oo! Ang ganda ng boses nya promise!!!! Buti na lang na manage kong hindi manginig yung boses ko nung nagsalita ako.

Nalungkot yung mukha nya. “Kaw naman ganda, sana kahit konti lang pinuri mo manlang sana ako.”

Nilingon ko sya? Hala! Bat ang cute nya? Para syang bata! Nagpapacute lang ba sya o natural na nya yan?

“Arte mo. di bagay sayo.” Sabi ko na lang at nagsimula ng lumakad palayo sa kanya.

Kailangan ko ng umalis sa tabi nya. Dahil habang nasa tabi ko sya eh hindi mapakali yung puso ko. Baka pag nainis ako dukitin ko pa to sa dibdib ko at itapon sa ilog eh! Ayaw manahimik.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon