Second Chance..

346 4 0
                                    

 

Chapter 23

Roselle’s POV.

 

Pagkatapos ng “Battle” namin. Nagpasya kaming hugasan muna yung mga ulo namin. Ang lansa kasi ng ulo nya. Tawa ako ng tawa sa reaksyon nya pag inaasar ko sya. Sya naman kasi nagsimula eh.

Pagkatapos ko banlawan yung ulo ko sa lababo sa kitchen, inabot nya sakin yung face towel nya.

Sya naman, kinuha yung towel sa cabinet ng mga HRM students.

Ibinalot ko muna sa buhok ko yung towel. Lumapit ako sa kanya at ibinalot ko din sa buhok nya yung towel.

Mukha kaming mga arabo.

Sabay pa kaming natawa.

Kanina, nung binasagan ko sya ng itlog sa ulo, halos mamatay na ako sa tawa. Sya naman naaamaze lang na nakatingin sa akin.

Lumapit ako ulit sa table at itinuloy yung pag mimix namin.

Habang minamasa ko yung harina tinanong ko sya. “Bakit pala dito mo naisip magpunta?”

 

Pinaglaruan nya yung mga ingredients. “Because you love baking.”

 

Ngumiti ako. “Namiss ko nga talaga ang pagbebake. Wala na kasi akong time. Tapos kulang yung ingredients sa bahay.”

 

Hindi sya nagsalita. Parang may malalim syang iniisip. Nilingon ko sya. Bakit bigla syang tumahimik?

Ibinalik ko na lang yung atensyon ko sa ginagawa ko. Cookies ang balak kong gawin.

Bahagya ko syang nilingon, seryoso syang nagmimix ng mga ingredients.

“Anong ibebake mo?” Tanong ko. Inaayos ko na sa tray yung sakin.

“Cupcake.”

 

Cupcke? Peste. Bakit cupcake? Ako nga hindi na nagbake ng cupcake eh. natatandaan na ba nya ako?

“Ah.” Tumatangong sabi ko na lang.

Pamaya maya pa hinihintay na lang namin na maluto yung mga ginawa namin.

Nauna yung sakin. Kumuha ako ng isa at tinikman ko. hmmm. Sarap ko talaga magbake. Hehaha. Kumuha ako ng isa at inabutan ko sya.

Tinitigan nya lang yung kamay ko. “Ayaw mo?” tanong ko.

Isusubo ko na sana ulit ng bigla nyang kinuha yung kamay ko at isinubo nya yung cookie. Syet. Ang lapit ulit ng mukha nya sakin. Ano ba ginagawa nya? Lumayo ako. Bigla ko kasi naalala yung “Moment” namin kanina.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon