Rule # 1..

313 5 0
                                    

Salamat sa mga tropa ko na pinepresure ako na mag-udate na. haha!  kinikilig ako sa inyo. haha!

"Maganda yung pagkakasulat. detailed. naiimagine ko yung nababasa ko. para na rin akong nanonood ng movie kapag binabasa ko yung gawa mo" - Kuya Carlo.

ayan! may pagmention ako. natutuwa kasi talaga ako. haha! sige na, magbasa na kayo. wag nyo na ko pansinin :D

----nunay ^__^

CHAPTER 27

Roselle’s POV

 

“Xander! Sige na, sakay tayo dun!” Tinuro ni Rona yung Space Shuttle Max.

Nakita ko na namutla bigla si Xander. “Carousel na lang tayo.”

 

Natawa kaming lahat. Nasa Enchanted Kingdom kami ngayon. Si Xander, Rona, Luigi, Kavs at ako.

Wala sila ate Rm at Virg. May sariling date.

Matagal na yung ticket namin na to para sa Enchanted Kingdom. Remember, the reunion? Nanalo kami ng ticket for 5. Ngayon lang namin nagamit. Buti na lang wala naman expiration yung ticket.

Tumawa kaming lahat sa itsura ni Xander. Ngayon ko lang nalaman na may fear of hights pala sya. Ang cute talaga nilang mga lalaki kapag nalalaman namin yung mga soft sides nila.

Sumimangot si Rona. “Mukha ba akong 5 years old para sumakay dyan?” nanlalaki ang ilong at mata na tanong niya.

Ngumisi si Xander. “Bakit nung high school tayo tuwang tuwa ka nung sumakay tayo ng carousel?”

 

Sumimangot ulit yung muka ni Rona. “Eh first time ko yun eh.”

 

Ako naman ang nanlaki ang butas ng ilong. “High school ka na nakasakay sa carousel?!!?”

 

“Grabe! Ang OA naman ng reaksyon mo! oo nga. Wala kasing amusement park sa probinsya namin nung mga panahon na yun.”  

 

Biglang lumapit si Xander kay Rona at inakbayan ito. “That’s why, I brought the amusement park there.” Mayabang na sabi nya.

Siniko sya ni Rona. “Kapal talaga ng mukha mo. Wag mo na ibahin ang usapan. Sakay na tayo dun!” at itunuro niya yung  Space Shuttle Max.

Napalunok si Xander. Gumalaw pa yung adams apple nya. Tumawa ako.

Bigla akong inakbayan ni Kavs. “Hayaan na natin sila, tara dun.” Iginiya nya ako sa horror house.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon