Chapter 49
Roselle’s POV
Another week had passed.
I was walking on the street. Galing kasi ako sa mall. Pabalik na ako sa BitterSweet.
Hawak ang paper bag na naglalaman ng cookbook, huminto ako pagdating sa pedestrian lane. Kulay red pa kasi ang light. Ilang sandali pa, dumami na yung mga katabi ko.
30 seconds pa ang time. Tumingin ako sa relo ko. Buti na lang 5 pm na ng hapon. Malilim na.
20..19..18..17..
Nakatitig lang ako sa stoplight. May naramdaman akong tumabi sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para lingunin sya.
Paglingon ko, natigilan ako.
Isang lalaki ang nakita ko. Matangkad sya. Rugged ang porma. May malaking headphones sa magkabilang tenga nya. Nakapamulsa sya habang nakatingin sa stoplight..
5..4..3..2..1..
Nagsimula ng lumakad yung ibang tao.. pero parang na glue ako sa kinakatayuan ko ng maaninag ko yung mukha ng lalaki na katabi ko..
Kavs…
Nakatayo pa rin ako doon at hindi na nakagalaw. Nakasunod lang yung mga mata ko sa kanya. Hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.
Napahawak ako sa poste ng stoplight. Biglang nanghina yung mga tuhod ko.
Sya nga ba yun? Ang laki na ng ipinagbago nya. Kailan sya dumating dito sa Pilipinas? Nakita nya ba ako?
Malamang hindi. Dirediretso nga naglakad diba? Sagot ng utak ko.
Inayos ko yung sarili ko. Hindi dapat ganito yung nararamdaman ko. Hindi naman ako sigurado kung sya nga yun. Pero bakit ganito ang epekto sakin ng lalaki na yun?
Umiling ako at nagsimula ng maglakad ng bigla akong businahan ng isang sasakyan nung nasa gitna na ako ng pedestrian lane. Sa gulat ko napaupo ako. Siguro dahil na rin sa panghihina ng tuhod ko..
Tumingin ako sa stoplight para sa mga pedestrian. Kulay red na pala. Ang tagal ko palang tumunganga. Kasalanan ko naman pala kung bakit ako muntik na mabangga.
“Miss, are you okay?” magalang na tanong sakin nung driver ng kotse. Bumaba sya at nilapitan ako.
Nag-angat ako ng tingin at napanganga. “Virg!”
“Roselle?” Tinulungan nya akong tumayo. “Are you okay?” Nag-aalalang tanong nya.

BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...