CHAPTER 8
Roselle’s POV
“Ganda!” habol nya sakin.
Hindi ko sya nilingon. Binilisan ko pa lalo yung lakad ko nung naririnig kong malapit na yung boses nya sakin.
Pumasok ako sa bahay nila Rona at dumiretso sa CR. Siguro naman dito hindi na nya ako susundan?
Umupo ako sa takip ng bowl. Narinig kong may kumatok.
“Ganda, sorry na. Nag papacute lang naman ako kanina sayo eh. Okay ka lang ba? Bakit nagmamadali kang maglakad?”
Narinig ko yung concerned na boses ni Kavs. Syete! Hindi ba ako lulubayan ng mokong na to? Alam na nga nyang ang lakas lakas ng charm nya eh. Tapos lapit pa ng lapit!
Kumatok sya ulit. “Ganda. Okay ka lang ba?” mas nabakas yung pag aalala sa boses nya.
“O-oo! Okay lang ako. Masakit lang yung tyan ko! Bumalik kana dun!” napipilitang sagot ko.
Narinig ko na huminga sya ng maluwag. Parang narelieve sya sa narinig nya.
“Okay, sige. Pag may kailangan ka tawagin mo ako ha?”
Hindi na ako sumagot. Kung madalas na yung emosyon sa mga mata nya ang hindi ko maintindihan, sa emosyon ko naman ako ngayon naguguluhan.
Yes, I liked him before. Pero bata pa ako nun. Hindi ko pa nga alam ang ibig sabihin ng love noon.
Pero, bakit yung epekto nya sakin eh ganun pa din? Parang mas lumala pa nga eh.
I really need to distance myself from him. Habang maaga pa. Ayoko na masaktan ulit. Ayoko na sa mga kagaya nya.
Tumayo ako. Pinagpawisan na ako. Medyo mainit kasi sa banyo. Bat ba kasi dito ko pa naisipan pumasok eh.
Binuksan ko yung pinto at lumabas. Nagulat pa ako ng makita ko si Kavs sa gilid ng pinto habang nakayuko at nakapamulsang nakasandal sa pader.
Nag angat sya ng ulo. Pagkakita nya sakin bigla nya akong nilapitan at kinulong nya sa mga kamay nya yung mukha ko.
“Sigurado ka bang okay ka lang? Bakit ang putla mo at pawis na pawis ka?” puno ng pag-aalalang tanong nya.
Nagulat ako sa reaksyon ng puso ko. Bakit parang natutuwa ako sa pinapakita nyang pag aalala?
“O-oo, okay lang ako.”
Nakahinga sya ng maluwag. Binitawan na nya yung mukha ko. Pero marahan naman nyang pinunasan yung butil butil kong pawis gamit ang kamay nya..
“Pinakaba mo ako dun ah. Wag mo na uulitin yun ha?” Parang batang kausap nya sakin. Naiilang ako sa ginagawa nya kaya lumayo ako. Ako na rin yung nagpunas ng pawis ko.
“Okay na ko. Bumalik ka na sa party.” Sabi ko.
Ngumiti sya. “Dito na lang muna ako.”
Naglakad ako papunta sa labas. “Ikaw ang bahala. Ako babalik ako dun.”
“Wait! Kala ko dito ka rin muna eh. Kaya dito na rin muna sana ako.” Umakbay sya sakin. “Tara?”
Nilingon ko sya at tinignan ng masama. “Sinong may sabi na pwede mo akong ak---“
Di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil may narinig akong tumikhim.
Si ate Rm at si Virg.
“Eherm eherm. Excuse me ha, nakaharang kayo sa daanan namin eh.” Ngiting aso na sabi ni Virg.
Mapanuksong tinignan din ako ni ate. “LQ agad?” tanong nya.
Sumiimangot ako. “Problema nyo?” naiinis na tanong ko.
“Nakita mo ba si tita Raquel? Ipapahilot ko yung braso ni Virg.” Biglang sagot ni ate Rm.
Ako naman yung ngumiting mapang asar sa kanila. “Naks. Nandyan ata sa kusina.” Sabi ko.
Namula yung pisngi ni ate. Halata kinilig sa mapang asar kong tingin.
Pumasok na sila sa loob. Halata yung concern sa mata ni ate. Nakangiting sinundan ko sila ng tingin.
Naramdaman kong may umakbay uli sakin. “Tara na ganda? Sayaw tayo?”
Siniko ko sya sa tyan. Napa aray sya. “Isa pang akbay mo. Ikaw na susunod na ipapahilot.”
Tumawa lang sya. “You’re so cute when you’re mad!”
“Whatever!” inirapan ko sya at nauna na akong maglakad.
Kinapa ko yung dibdib ko. Bakit ang lakas ng tibok?
----------------
Song used:
By Chance by JRA
Crazier by Taylor swift
Ordinary Song by I dont know who :P

BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...