His Smile..

374 6 0
                                    

CHAPTER 10

Roselle’s POV

 

Hindi ako agad nakapagsalita. “A-ask me out on a date?” parang tangang ulit ko sa sinabi nya.

Namula yung pisngi nya. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa inis sakin o sa hiya.

“Kailangan bang paulit ulit? Ang lakas na kaya ng boses ko kanina.” Parang naiinis na sagot nya.

Lumingon ako sa paligid. Lahat ng nasa library ay nakatingin sa amin. Yug librarian naman ay pinukol kami ng masamang tingin.

Ayokong ma ban sa library kaya hinila ko na si Kavs palabas.

Nung nasa labas na kami ay pumamewang ako sa harap nya. “Bakit ka ba naninigaw ha! Nakakahiya sa library!” sita ko sa kanya.

“Eh kasi ikaw eh! Tatanggapin mo na lang yung bulaklak ang dami mo pang tanong.”

“Ah. So naiinis ka? Okay. Isaksak mo sa baga mo yang bulaklak mo!” nag walk out ako.

Naagapan nya yung kamay ko. Napakislot ako. Parang dinaanan ng kuryente yung katawan ko pagkahawak nya sa kamay ko. “I’m sorry.” Sabi nya.

Tinignan ko ng masama yung kamay naming dalawa. “My hand please.”

Parang wala sa sariling binitawan nya yung kamay ko. “Again, sorry. So ano? Wanna go on a date with me?”

Naiinis ako. Bakit kung magtanong sya parang nag aaya lang sya mag kwek kwek sa kanto? At ang mas nakakainis bakit konti na lang eh mapapa-oo na ako?

Tinignan ko sya ng derecho sa mata. Parang maiihi sya sa paghihintay ng desisiyon ko. Nakalahad pa din sa harap ko yung bulaklak.

Kinuha ko yung bulaklak. “No.” at naglakad na ako palayo. Mahirap na. Baka mabawi ko pa yung sinabi ko at mapalitan ko pa ng yes.

 *******

 

"GUESS what, another game over. I got burn but you're a real loser. I dont know why, I’ve wasted my time with you. You’re bad news a history repeater, you can’t trust a serial cheater, you're good at hooking up but you suck at love."

Ganado kami ni Rona sa pakikinig sa Blue Jeans. Sa harap kami nakaupo.

Syempre. VIP eh.

Pagkatapos ng set ng Blue Jeans bumaba na sila at dumiretso sa table namin.

"Ganda, ano bilib ka na sa galing kong tumugtog?" Mayabang na umupo si Kavs sa bakanteng upuan sa tabi ko.

 

"Asa, mas magaling pa rin sila Luigi sayo. Gagalaw pa rin ang banda nyo kahit wala ka sa set."  Mataray na sagot ko sa kanya.

"Aray naman ganda! Ang mean mo naman." Sabi niya at umakto pa na nasasaktan. "Nagpakitang gilas na nga ako sayo eh, ano pa bang gusto mo?” Madamdaming dagdag pa nya.

Syet. Nagpapakacute na naman ba sya sakin? Okay! Sige. Cute na sya.

"Gusto ko? Yung mag evaporate ka dito sa mundo. Ayun! Baka mag pa-Fiesta pa ko." Sagot ko na lang sa kanya.

Narinig ko na nagtawanan yung mga kasama namin sa table. Okay. Ang hard ko nga kay Kavs. Pero kasi eh. Pag hindi ko to ginawa, ako din talunan sa huli. Hello! Playboy sya no! At ang mainlove sa kanya uli ang pina maling magagawa ko sa mundo.

Nagchikachikahan muna kami sandali bago sila uli tinawag sa stage para sa next set nila.

Pag akyat ng Blue jeans, inasar namin si ate kay Virg. May pagpisil kasi sa pisngi si Virg kay ate eh. ayun, parang kamatis na yung mukha nya sa sobrang pula.

Tumawa kami ni Rona. Lumingonn ako sa stage.

Nakita ko si Kavs. Nakayuko habang kinakalabit yung strings ng electric guitar nya.

Parang ibang Kavs sya pag nasa stage sya. Pero isa lang naman yung hindi naiiba sa kanya.

Yung ngiti nya..

Ngiti nya na nagpapabilis pa rin ng tibok ng puso ko hanggang ngayon.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya ng ngumiti sya sakin. Nagkagulo na naman kasi lahat ng organs ko sa katawan.

Siguro dapat talaga na iwasan ko na sya. Yung totoong iwas na talaga. Mahirap na.

----------

Song used: You suck at love by Simple plan

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon