Not now, please.

224 4 0
                                    

Chapter 42

Roselle’s POV

 

Busyng busy si Kavs ngayon kaya bihira na kaming magkita. Kakauwi ko lang ng bahay. Hinatid nya lang ako at dumiretso na sya sa office.

Biglang nagring yung cellphone ko. Si Tita Jamie yung tumatawag.

“Hello, iha? Magkasama ba kayo ni Kavs?” Yan agad ang pambungad na tanong nya.

“Hello tita, hindi na po eh. Bakit po?”

“Gusto ko sana syang makita. Handa na ako ulit iha na kausapin sya.”

“Talaga po?” masayang tanong ko.

“Oo. Kaya lang paano ko ba sisimulan?” unsure na tanong nya.

Ngumiti ako kahit hindi nya nakikita. “Ako bahala tita. I have a plan.”

****

Linggo at walang pasok. Magkikita kami ni Kavs ngayon.. pero ngayon ko na gagawin yung plano ko. Ang pag-usapin sila ng Mommy nya. Magagalit sya sakin, alam ko. Pero siguro sa huli pasasalamatan na lang nya din ako. I just hope na hindi nya ako ihagis sa sobrang galit nya.

Pinapunta ko ngayon si Tita dito sa bahay. Wala pa rin sila mama. Bihira silang umuwi dito sa bahay namin sa Makati. Sa Cavite sial madalas dahila nandun yung negosyo namin. May Upholstery shop kasi kami doon. Dito kami ni ate Rm dahil malapit lang kami sa school.

“Iha, are you sure about this? Baka magalit si Kavs sayo.” Kabadong sabi ni Tita sakin.

Ngumiti ako. “Tita, isipin mo na lang makakapag-usap kayo. Ikukulong ko sya dito sa bahay kaya wala syang palag.” Tumatawang sagot ko.

Natawa si tita ng marahan. Pero mukha pa rin syang kabado. Well, parehas lang din naman kami ni tita na kinakabahan. Tinatago ko lang. Syempre pag pinakita ko sa kanya yun, baka maihi na sya sa kaba.

Hinihintay na lang namin si Kavs. Usapan namin ay susunduin nya ako sa bahay at kakain kami sa labas ng dinner. Hindi nya alam na nandito ang mama nya. Malamang na hindi na yun tumuloy kapag nalaman nya.

Napaigtad kami pareho ni Tita nung narinig ko yung busina ng kotse ni Kavs. Ayan na sya. Mas lalo akong kinabahan.

Lumabas ako ng bahay at pinagbukasan sya ng gate. Ang gwapo na naman nya ngayon. May hawak syang bulaklak. “Hi babe!” malawak ang ngiting sabi nya.

Kinuha ko yung flowers at ngumiti. Sana naman hindi nya mapansin na mukha na akong natatae sa ngiti ko dahil sa sobrang kaba.

Pinunasan nya yung pawis sa noo ko. Oo, pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba. “Masyado ba akong hot at pinagpapawisan ka?” asar nya sakin. Sinuntok ko lang yung braso nya at sumimangot.. Makakangiti pa rin kaya sya mamaya?

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon