Nakakasamid lang?

176 5 0
                                    

Roselle’s POV

 

“Ate!” Sigaw ko kila ate Rm,Rona at Luigi.

“Pati ikaw?” tanong sa akin ni ate Rm.

Naguluhan ako sa tanong nya,

 

“Anong pati ako?” balik tanong ko.

“Tinatanong ng ate mo kung pati ikaw daw eh invited ni Virg.” Sabi ni Rona.

Tumango tango ako. “Ah. Oo. Bakit te? Bawal?”

Naiinis na pumamewang sya sa amin. “Bakit nung ako nag invite sa inyo Ayaw nyo?”

“Eh, hindi mo naman party to eh.” Sagot ni Rona.

“Eh hindi din naman party ni Virg to ah?” naiinis na sagot nya.

 

“Oo nga, eh party naman ni Kae to kaya may karapatan syang mag invite.” Sagot ko naman kay ate Rm.

“Eh ano ba ni Virg si Kae at nagkaroon sya ng Karapatan?” Tanong nya.

Sabay sabay na nagkibit balikat kaming tatlo. Naiinis na sinabunutan ni ate Rm yung sarili nya at tumalikod na sa amin.

Birthday ngayon ni Kae. Ang adopted sister ni Virg. Nung isang araw, nakipagkita ako ulit kay Virg. Isinama ko si Rona at si Luigi. Kaya naman alam na rin nila ang lahat.

Hindi namin ipinaalam lahat kay ate rm, dahil gusto namin na magkaayos sila ng sila ang nag-uusap.

Nakakatuwa pala minsan ang mag play as a cupid.

Hindi naman ako natatakot na mauuwi sa wala ang lahat ang effort namin na paglapitin sila ulit ni Virg because I know, ate Rm still loves Virg. And Virg still loves her. Paglalapitin lang namin sila. Tapos sila na ang bahala sa susunod na kabanata.

Bigla naming narinig na nagsalita yung baklang emcee. “Please welcome, the birthday celebrant Kae! Together with her handsome escort Virg!” pumalakpak yung mga bisita.

Napahinto si ate Rm pagkarinig sa pangalan emcee. At dahan dahan syang lumingon sa stage.

Jealousy. That’s what I saw in my ate’s eyes. So effective ang plano namin.

Pero parang kinurot ako ng makita ang malungkot at mapait na ngiti ni ate Rm..

Ibinigay ng emcee yung mic kay Kae. “Thanks for coming here on my birthday tonight. And Aya,” lumingon si Kae kay Virg. “Thanks for arranging this fabulous party for me. You really are the best. I love you.”

Ngumiti si Virg at niyakap si Kae at hinalikan sa noo.

Tumalikod na ng tuluyan si ate Rm. Napansin ko pinunasan nya yung pisngi nya

“Ate, san ka pupunta?” tanong ko.

Tumikhim sya “Punta lang ako sa washroom.”

“Okay, bilisan mo ha. Kakain na daw.”

 

Nung nakaupo na kami sa table, lumapit si Virg sa amin. “Nasaan si Rm?”

“Nakita ko syang pumasok sa back door. Sundan mo.” Sabi ko sa kanya. At mabilis pa sa alas kwatro na naglakad si Virg papunta kay ate Rm.

Ngumiti ako pagkatanaw ko kay Virg.. this is just a start. Alam ko naman na matitiis ni Virg kung mahihirapan man sya ulit.

Umupo na kami sa table namin. Lumapit sa amin sandali si Kae. She is so nice.

“Paano ba yan Roselle, bumalik na si Virg. Si Kavs kaya?” Nang-aasar na tanong sa akin ni Luigi.

Umirap ako sa kanya. Naalala ko na naman yung araw na parang nakita ko si Kavs.

“Taray, no reaction na bestbi? Natulala ka na bigla dyan?” Panggagatong pa ni Rona.

Binato ko sya ng lukot na tissue. “Ewan ko sayo. Tignan lang natin kung hindi ka matulala pag nakita mo ulit si Xander. Baka mahulog pa nga panty mo.” Napahinto si Rona sa akmang pagsubo ng pagkain. It’s now my turn to laugh hard.

 

Natatawang ipinagpatuloy naman ni Luigi ang naudlot na pagsubo ni Rona. “Wala pa sya napapanganga ka na. Pano pa pag kaharap mo na?” tumatawang asar ko pa. Ang sarap kasi asarin ni Rona. Pikon kasi tong babae na to eh.

Nginuya nya muna yung isinubo ni Luigi bago nagsalita. “Gaga. Napapanganga ako kasi may tao sa likod mo.”

Kumunot yung noo ko. “Sino?”

“Si Kavs.” Walang habas na sabi ni Rona. Naibuga ko yung juice na iniinom ko at lumingon sa likod ko. Wala namang tao. Pagharap ko ulit hagalpak na ng tawa si Rona. Si Luigi naman napapailing na lang.

“Hindi nakakatawa yung joke mo.” nakasimangot na sabi ko.

Nakakasamid lang?” tumatawang sabi nya. Ang bully din nito eh. Nahawa na sa akin.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon