Chapter 40
Roselle’s POV
“Kamusta na ang anak ko iha?” tanong sakin ni Tita Jamie. Ang mama ni Kavs. Nagkita kami ulit ngayon. Tinawagn nya kasi ako kanina.
“Okay naman po sya.” Simpleng sagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan yung gusto ko sanang hilingin sa kanya. Ibinaba ko yung kape na iniinom ko.
“Kamusta kayo?” tanong nya ulit.
“O-okay naman po.” Medyo nauutal na sagot ko. Actually, okay naman talaga kami ni Kavs. Medyo nag-iba na nga lang ang ihip ng hangin. Dati halos mabwisit ako sa kakulitan nya sakin. Pero ngayon, madalang na. Tapos lagi ko pang napapansin na parang nag i-space out nya. There is really something that’s bothering him.
“You want to say something iha?” magaang tanong ni tita sakin.
Huminga ako ng malalim. “Actually tita, m-meron po.” Medyo kabadong sagot ko. Bakit ba ko kinakabahan sa harap nya?
Siguro dahil kamukha nya si Kavs at parang ganun din ang nararamdaman ko pag malapit ako sa kanya?
“Go ahead.” Nakangiting sagot nya sakin. Elegante nyang ibinaba yung tasa nya sa lamesa sa harap namin. Nasa isang sosyal na coffee shop kami ngayon. Grabe yung pag ka-firm ng kilos nya. Para syang reyna sa mga Koreanovela sa TV.
Lumunok ako bago nagsalita. “Actually po tita, I noticed na hindi po talaga okay si Kavs. Madalas po na malalim ang iniisip nya mula nung nakita nya kayo sa resto. Tapos dumagdag pa yung tungkol sa daddy nya.” Mahabang daldal ko.
Kumunot yung noo nya. “What happened to Emman?”
“Naopspital po sya last week. Pero okay naman na po sya. Sabi ni Kavs sakin.”
Marahang tumango sya. Malalim na napaisip.
“Kelan nyo po sya balak kausapin?” nananantyang tanong ko. tinutukoy ko si Kavs.
“I don’t know iha. Sinubukan ko na yan dati ng ilang beses. Pag sinsabi ko noon na magkita kami, hindi sya dumadating. Kapag pumupunta ako sa kanya, ipinagtatabuyan nya ako. O kaya naman, magpepretend sya na hindi nya ako kakilala.” Malungkot na ngumiti sya. “He must really hate me.”
“Hindi po.” Mabilis na awat ko sa sinabi nya. “He loves you. I can see and feel that. Hindi naman po sya magkakaganito kung hindi ka nya mahal. My pumipigil lang po sa kanya. Siguro isa na ang galit dun. Pero kapag nagalit ang tao hindi naman ibig sabihin ay hindi mo na mahal. Nagagalit ka kasi nga mahal mo sila. Nagagalit ka kasi nasaktan ka nila.”
Ngumiti sya. “Pero paano pa iha? Gustong gusto ko talaga syang kausapin. Napapagod na akong tanawin na lang sya palagi mula sa malayo. Pakiramdam ko dinudukot ang puso ko mula sa dibdib ko kapag nakikita ko na balewala lang ako sa kanya..” tumulo na ang luha nya.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...