CHAPTER 12
Roselle’s POV
“Kavs?” umayos ako ng tayo.
“Yes?” nakangiting sagot nya sakin. Hinila nya ako sa gilid. Nakaharang kasi kami sa escalator.
“Why are you here? Are you following me?” nag aakusang tanong ko sa kanya.
Ngumisi sya. “Bawal na bang pumunta sa mall ngayon?”
Napahiya ako. Oo nga naman. Bat nya ba ko susundan? Hindi na lang ako nagsalita at tumingin sa kawalan.
“Pumunta ako dito dahil sinundan kita. Okay na?” biglang sabi nya.
“Ha?” parang tangang sagot ko.
Lutang pa din ako. Alam mo yung nakita mo yung ex mo tapos di mo alam yung mararamdaman mo tapos biglang dumating pa si Kavs na isa ding nagpapagulo sa damdamin ko. Edi talagang di na aayos utak ko.
Umiling sya at inakay ako. I mean, hinawakan nya yung kamay ko. “I saw you earlier. Kanina ka pa nag-s-space out so I followed you.” Kinuha nya yung paper bag ko na pinaglalagyan ng libro na binili ko.
“Why?” wala pa rin sa sariling tanong ko. Dang. Ang lambot ng kamay nya. Para akong may hawak na unan.
“Kailangan ba talaga lahat ng sasabihin ko may tanong ka?”
Yumuko ako.
Bumuntong hininga sya. “Sorry. Kain na lang tayo. What do you want?”
“Cake?” patanong na sagot ko. Sinampal ko yung sarili ko. Pero sa isip lang. mukha na kasi akong tanga. Ano ba nangyayari sakin?
“Pati sagot tanong pa din?” natatawang sabi nya sakin at hinila na nya ako sa isang bakeshop.
I ordered chococake. Sya naman bumili lang ng kape.
Umupo kami sa bakanteng upuan.
“Bakit mag isa ka lang?” tanong nya sakin pagkaupo namin.
Sumubo muna ako ng cake bago sumagot. “Biglaan lang pagpunta ko dito. Ikaw? Bakit mag-isa ka lang?”
Nagkibit balikat lang sya. “Siguro naramdaman kong nandito ka?”
Umirap ako at sumubo ulit ng cake. “Bakit hindi mo sinama yung babaeng kausap mo kanina?”
Kumunot yung noo nya? “Kausap? Ikaw lang naman ang kausap ko ah.”
“Hindi. Yung kausap mo sa school canteen kanina.”
Ngumiti sya. Ay, ngumisi pala. “Selos ka ganda? Classmate ko yun, nagtatanong lang tungkol sa assignment.”
Assignment? Bakit kailangan may ngitian pa? Hindi na lang ako nag comment. Aasarin na naman nya ako eh. Tuloy tuloy na sumubo na lang ako ng cake at ininom yung Frappe na inorder ko.
“You really like sweets?”
Ngumiti ako habang nasa bibig ko yung disposable fork. “Super! Someday, magtatayo kami nila Rona at ate Rm ng bakeshop!” itinaas ko pa yung tinidor ko.
Ngumiti sya. Makikita mo yung amusement sa mukha nya. “And I’ll be your loyal customer.”
Ngumiti ako. “Sure! Pero wala kang discount ha?”
“That’s fine with me, kahit taasan mo pa yung Vat.” He leaned forward and reaches the side of my lips. “Para kang bata kumain.” He wiped it with his thumb.
Umatras ako. “A-ah. Sorry.” Pinunasan ko ng tissue yung mukha ko. “Meron pa ba?” tanong ko.
Tinitigan nya ako. Medyo matagal bago sya sumagot. “Wala na.”
Naconscious ako kaya nag iwas ako ng tingin. Inubos ko na yung cake ko. “Tara na?”
Nakita ko na parang matatawa sya. Anong problema ng lalaki na to? “Anong nakakatawa?” mataray na tanong ko.
Umiling iling lang sya. Pero namumula na yung mukha nya sa pagpipigil matawa.
Kinuha ko agad yung salamin ko sa bag. Tinignan ko yung mukha ko. Wala naman dumi ah. Pero nasilip ko yung bibig ko.
May chocolate yung ipin ko. Para tuloy akong bungi!
Binato ko sya ng nilamukos na tissue! “Bwisit ka talaga!”
Dun lang nya pinakawalan yung pinipigil nyang tawa. Damn.. anong tawa ba yun? Parang nakakahalina.
At anong nangyayari sakin? I was supposed to avoid him right?
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...