Roselle’s POV
Ngayon ang Company anniversary ng Santillan CTC. Maayos naman ang lahat.
Sa kompanya din nila ginanap ang celebration.
“Gotcha!” Impit na napatili ako ng yakapin ako ni Kavs mula sa likod ko.
“Kavs!” nahihiyang hinampas ko sya sa balikat. Pero hindi pa rin sya bumubitaw sakin.
Sumimangot sya. “Namiss kita tapos hinahampas hampas mo lang ako.”
2 days din kasi kaming hindi nagkita dahil pareho kaming busy. Tapos kanina naman hindi kami magkausap kasi ang daming kumakausap sa kanya.
“2 days lang tayong hindi nagkita kaya wag ka ngang umarte.” Natatawang saway ko sa kanya. Nakayakap pa rin sya. Okay lang kahit napapalingon sa amin ang ibang tao. Sabi ko nga dati diba? Pag si Kavs ang katabi ko, naeenjoy ko ang pagiging PDA.
“2 days seems like 2 years without you.” Wika nya. Grabe tong si Kavs. Uminit ang pisngi ko.
Hindi ko pa din alam kung anong estado ng relasyon namin. Parang bumalik sa dati ang samahan. Oo, pero wala pa ring label. Ayaw ko namang magmadali. Hahayaan ko na lang muna sya.
Lumingon ako kila ate Rm, Rona, Virg at Luigi sa isang table. Invited din sila syempre, kliyente namin silla Kavs.
Nakita ko si Rona na naglalasing at inaawat na ni Luigi. I know may problema ang babae na to simula ng dumating sya, ganyan na sya. Hindi namin alam kung saang lupalop na naman sya naglagi. Hindi namin alam kung ano ba ang itinatago samin ng babae na to. Masyyado na syang masikreto.
Napalingon ako kay Kavs ng bigla nya akong hawakan sa kamay.
“Come. Ipapakilala kita sa kanila.” Hinila nya ako at dinala sa table ng mga tao.
“This is Roselle. She bakes all the cakes that we have.” Pagpapakilala nya sa akin.
“Oh! I love your cakes!” Sabi ng isang sosyal na babae.
Ngumiti ako. “Thank you po.”
Kavs squeezes my hand. May isang matandang babae ang nakapansin sa ginawa ni Kavs.
“Are you his Girlfriend?” Tanong sakin ng babae.
“Po? Ha.. e..” Ano bang isasagot ko? Kami nga ba?
Nagulat akong kabigin ako ni Kavs sa bewang. “Yes. She is my girlfriend.”
Marahas na lumingon ako sa kanya. “G-girlfriend?” tanong ko.
Kumunot ang noo nya. “Why? Hindi pa ba? But we kissed already.” Pilyong tanong nya.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...