Sweet Crema..

332 5 0
                                    

Chapter 18       

Roselle’s POV

 

“HELLO? Mary?” sagot ko sa tawag ni Mary sakin. Ngayon yung batch reunion namin.

“Ano? Okay ka na ba? Papunta na kami.”

 

Yumuko ako sa ilalim ng kama at kinuha yung skintone pumps ko.

“Oo. Hinihintay ko na lang si Kavs.”

 

“Kavs? You mean, Kavs Santillan? Sya ba yung escort mo?” di makapaniwalang tanong nya.

“Yes. Wala ng iba.”

 

“Wait.. Square na ba ang mundo? Diba you hate him? Anong nagyari?”

 

“Hay nako. Ibaba ko na yung phone ha. At nag-aayos pa ako.”

 

“Madami ka ng utang na kwento sakin ha. In time, maniningil ako. Bye.”

 

Umiiling na inilagay ko na lang sa sling bag ko yung phone ko.

Pupunta ako sa Batch reunion namin with Kavs.

Yes. With him..

Pano nangyari?

Ganito..

-----FLASHBACK----

Nakapangalumbaba ako sa isang concrete bench sa park sa school.. nasa table lahat ng mga gamit ko, hindi ko masimulan yung  Bukas na yung Reunion. Pero wala pa rin akong date. Saklap!

 

Hindi na lang ako pupunta. Pwede naman idahilan na busy ako. Total graduating na ako. sasabihin ko na lang na marami akong inaasikaso..

 

“Ganda!”

 

Bumilis na naman yung tibok ng puso ko pagkarinig ko sa boses na yun. Nakakainis. Umupo sya sa tabi ko. nakapangalumbaba pa rin ako na nilingon sya.

 

“Bakit?”  tanong ko.

 

Hinubad nya yung back pack nya at binuksan.

 

“Bakit ganyan pagmumukha mo? parang pasan mo yung mundo.”

 

Tinignan ko sya ng masama. “Ano ba paki mo?”

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon