CHAPTER 26
Roselle’s Part
Naglalakad ako sa hallway. Monday, at hindi ko pa nakikita ulit si Kavs. Parang ayaw ko syang makita. kasi pakiramdam ko, nagwawala yung mga paru-paro sa tyan ko.
Eh kasi nga, hanggang ngayon kinikilig pa rin ako.
Pero bakit nga ba maghapon na ako dito sa school eh hindi ko pa rin nakikita yung kabute na yun?
Baka nambababae na yun ah? (Paranoid mode) Okay. Wag mag-isip ng ganun. Remember, hindi ko sya boyfriend at hindi nya ako girlfriend.
Pero hindi pa nga ba? Diba nag kiss na kami?
Syet. Nagba-blush pa din ako pag naaaalala ko yung kiss under the rain na yun. Bwiset. Muka akong tanga na ngumingiti ng mag isa.
Palabas na ako ng school building. Alas dos pa lang. wala na akong klase.
Nagulat ako ng paglabas ko ng building may lumapit saking lalaki. Mukhang freshman. “Ate, ikaw po ba si Roselle?”
Kumunot yung noo ko pero tumango pa rin ako.
Bigla nyang inabot sakin yung isang rose. May nakataling susi.
Mas lalong kumunot yung noo ko. magtatanong sana ako sa lalaki pero bigla na syang tumakbo palayo.
Nakatingin pa din ako sa rose ng may lumapit na namang lalaki sa akin at may inabot na note. Binasa ko.
Just walk straight ahead.
Nawiwierdohan na ako. wala na din yung lalaki na nag abot sakin ng note sa harapan ko.
Kahit medyo puzzled, sinunod ko yung note. I walked straight ahead. Nung malapit na ako sa pader may lumapit na namang lalaki.
May inabot na naman syang note.
Turn on left.
And I did. Pumasok ako sa locker room ng mga engineering student. wait. Parang may hint na ko.
Lumingon ako sa paligid. I saw one locker. May nakadikit na papel saying.
If you have the key, open it.
Hala! Ano to? Kaninong locker ba to? Baka set up to? Mapagkamalan pa akong klepto?
Ano ba yan! Puro ‘to’ na tuloy nasasabi ko.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomansaQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...