Basta.Mag-uusap tayo.

383 5 0
                                    

CHAPTER 24

Kavs’s POV

 

Hinintay ko muna na makapasok sya sa bahay nila bago ko pinaandar palayo yung sasakyan ko.

 

Kanina, nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang ibigay yung box sa kanya. Mukha kasing hindi nya alam na ako yung Kavs dati na crush nya. Nakakainsulto nga eh. ganun ba ako kadali makalimutan?

Well, sa ginawa ko naman dati eh hindi nga malabo.

Nag-iwan ako ng note sa cupcakes asking kung pwede nya pa akong bigyan ng isang pang chance.

Chance na ano?

Chance para maipakita ko sa kanya yung totoong ako.

Chance para maipakita ko na hindi naman talaga ako kagaya ng iniisip nya.

Chance para mapalapit pa sa kanya.

At chance para maipakita at maipadama ko na mahal ko sya.

Oo. mahal ko sya.

Kelan pa? hindi ko alam.

Basta ang alam ko, isang araw nagising nalang ako na sya na lang ang gusto kong makita.

Parang naadict na nga ako sa kanya.

Kahit lagi nya akong binabara at sinusungitan, ayos lang. Basta nasa tabi ko sya lagi. Kahit nakakunot noo pa sya pag kinakausap ako, ayos lang basta nakikita ko yung mukha nya.

Hindi ko alam kung anong meron sya at pakiramdam ko na nagayuma na nya ako.

Kanina, yung tawa nya habang nasa baking room kami, pakiramdam ko bumaba yung mga anghel mula sa langit. Yun ang unang beses na nakitaan ko ng ganung saya yung mukha nya.

And dang! Handa ako maligo ng harina, chocolate at itlog araw araw basta makita ko lang sya na ganun kasaya.

Kung uso pa ang Slam Book. Ilalagay ko sa most unforgettable moment yung nangyari kanina.

Napangiti na naman ako pag naaalala ko yung saya sa mukha nya.

Sana, makita ko pa ulit yun. Sana, ako na ang maging dahilan ng kasiyahan nya.

Bigla na naman akong napangiti ng maalala ko yung scene na hinabol ko sya.

I was really about to kiss her. Pero sinuway ko yung sarili ko.

Alam ko na hindi dapat. Dahil wala akong karapatan. At ayoko na magalit sya sakin kapag ginawa ko yun.

Playboy na nga ako sa paningin nya, papatunayan ko pa ba?

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon