Manyak..

230 4 0
                                    

A/N: sorry fruends kung natagalan mag-update! haha. namundok kasi ang lola nyo kaya walang internet :) anyways! happy reading! ---Nunaaaay

Chapter 44

Roselle’s POV

I can’t believe na okay na kami ni Kavs. Buti napatawad nya ako. I know nanghimasok ako sa buhay nya. At pangako na hindi na ako uulit. Konti na lang. Joke. Hindi na talaga. Ayaw ko na magalit na naman sya sa akin. He let me know about his emotions, ang he trust me. I wont ever brake his trust. I promise. Sensitive pa naman yun because of his trust issues.

Hindi kami nagkita ni Kavs ngayon dahil busyng busy sa kompanya nila. Trainee pa lang sya dun ha? Pano kaya pag sya na ang CEO? Edi mas lalo na.

Pero hindi naman ako maiinis o mag-iinarte. Hindi ako magdedemand ng time. I’m happy for him. Atleast now he is stating to act mature. To act on his age. Lalo tuloy sya gumagwapo sa paningin ko.

Ang astig nya kasi kapag nakikita ko syang naka three-piece suit. Araw araw ko syang nakikita na ganun. Dahil kung hindi nya ako mahahatid sa school. Wala naman syang palya na ihatid ako pauwi.

Napangiti ako. Kapag naiiisip ko lang sya napapangiti na ako. Sobra na ako sa kakornihan.

Tumingin ako sa relo ko. Past 9 pm na pala. Pauwi pa lang ako sa bahay. Nagkita kasi kami ni Mary sa isa sa paborito naming restaurant sa Makati. Napasarap ang kwento kaya ginabi.

Hindi ko na tinext si Kavs. Alam nyang aalis ako pero hindi nya alam kung anong oras ang uwi ko. wala na kasi akong load. Wala naman ako mapaloadan dito.

Naglakad na ako. Madadaan ako sa hilera ng mga sosyal na bar sa labas ng isang sosyal na mall dito sa Makati. Maaga pa para mag bar pero medyo marami ng tao sa paligid. Tabi tabi din kasi ang bars dito at mg resto.

Buti na lang pala at nakapantalon ako. Pero nakasleeveless ako at Keds na sapatos. Nagdiretso na ako ng lakad.

Biglang may naaninag akong lalaki sa isang tabi. Nakaslouch sya at nakayuko.

Ano ba yan. Ang aga naman nya nalasing.

Dadaanan ko na lang sana sya ng bigla syang tumayo dahilan para magulat ako at mapaatras.

Muntik na akong humiyaw sa gulat pero nakita ko yung mukha nya.

“Ian..” wala sa loob na bigkas ko.

Medyo umayos sya ng tayo at hirap na inaninag ang mukha ko. Lasing nga sya. Walang duda. Hindi na nya kasi maifocus sa  akin yung tingin nya.

Nung siguro ay nakilala na nya ako ngumiti sya. Malungkot na ngiti.

“Roselle?” parang medyo mabulol pa sya.

Tumango ako at lumapit sa kanya. “Anong ginagawa mo dito? Bakit ka naglalasing?”

Ngumisi sya. “Para lumimot?” patanong na sagot nya. Pabagsak na umupo sya ulit sa isang plantbox sa gilid.

Naku. Hindi dapat sya naglalasing ng mag-isa. Rich kid pa naman to. Baka mamaya umuwi na sya ng pulubi.

Tinapatan ko sya. “Anong nangyari?” tanong ko.

Umiling lang sya.

“Di ka pa ba uuwi?” tanong ko ulit.

“Mamamaya na. Ayokong umuwi sa condo. Madami lang akong maaalala.”

Kumunot yung noo ko. I know something is really bothering him. Umupo ako sa tabi nya.

Maybe he needs someone to listen to him. I know we have a past. And it’s not a good one to tell. But still, I can’t leave him in this kind of situation. He is so lost. Just reminded me of Kavs.

“Care to tell me what happened?”

Pagak na natawa sya. “I can’t believe you’ve seen me like this.”

“May mga bagay talaga na hindi inaasahan na mangyari.” Sabi ko.

“Yeah, right. Just like what she did to me. Very uncertain.”mapait na bigkas nya. “Maybe this is what you call KARMA, huh?” dagdag pa nya.

I don’t understand what he’s talking about. But I know it has something to do about him and Zen.

“I don’t understand Ian. Ano bang nangyari?” tanong ko sa kanya ng hindi lumilingon.

“She call off the wedding ang left me.”

Marahas na napalingon ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa kawalan.

“I asked her, if there is someone else. She just says that there is none. That it is her decision. She’s confused and everything. What the f*ck?” mas naging mapait pa yung boses nya.

Hinawakan ko yung balikat nya. Nakita ko na may isang patak ng luha na tumulo sa mata nya. Marahas na pinunasan nya yun at nagmura. “I can’t believe I’m crying over a girl!”

“You know it’s okay to cry sometimes....”

Magsasalita pa sana sya ng may tumapat na dalawang lalaki sa harap namin. “Ian! Long time no see! Bagong chick?” ngumisi yung isang lalaki na mukhang anak mayaman din at tumingin sa akin. Ganun din yung isa. Umismid ako.

Tumayo si Ian at humarang sakin. Tumawa yung dalawang lalaki. “Whoa! Posessive?”

“Spare her.” Matapang na sabi ni Ian na mas ikinangisi naman ng dalawa.

“You share your girls before. Why not share her now?” sabi naman nung isa. Kinilabutan ako sa tingin nila kaya napahawak ako sa braso ni Ian.

Nagulat ako ng kinuha ni Ian yung kamay ko hilain ako palayo sa dalawang manyakis. “Let’s go.”

Nagpatianod ako sa kanya. Pero mabilis yung isang lalaki at nahablot nya yung kamay ko. “Come on! Sandali lang naman eh!” ngising demonyo na sabi ng humila sakin. Shems! Nakakatakot sila. We should get out of here. Now.

Babawiin ko na sana yung braso ko ng biglang napunta sa harap ko si Ian at sinuntok yung isang lalaki. “Ian!”

Hinawakan ko sya sa braso. Itinulak lang nya ako sa likod nya. Grabe. Mukhang makakasaksi ata ako ng boxing ngayon at natatakot ako.

“Ian.. tara na.” hila ko sa kanya pero nakabangon na yung lalaki at sya naman ang sinuntok. Natumba si Ian. Napasigaw ako ulit. “Ian!”

Hanggang sa sya naman ulit ang tumayo at sinuntok yung lalaki. Hindi ako lumapit sa kanila dahil baka masuntok nila ako at hindi na ako magising.

May mga umawat na bouncer. Thank God! May dugo na kasi si Ian sa mukha, ganun din yung dalawang lalaki. Grabe. 1 vs. 2? Naawat naman sila ng bouncer. Sinabi ko na yung dalawang lalaki yung nagsimula ng gulo kaya sila at binitbit paalis sa lugar na yun.

Inakay ko si Ian pagkatapos. He spit the blood in his mouth. Tinitigan ko sya. May dugo sa gilid ng labi nya at sa bandang ilong.

Nakarating kami sa parking lot kung saan nakapark pala yung kotse nya. Mukhang nahimasmasan na sya. Ikaw ba naman makipagrambulan diba? First time kong nakakita ng ganung away.

“I’m sorry..” mahinang sabi nya ng nasa tapat na kami ng sasakyan nya.

“Okay lang. Sana hindi mo na sila pinatulan para hindi na kayo nag-away.”

“Binastos ka nila. At.. yun na lang ang naisip kong paraan para makabawi sayo.” Nag-iwas sya ng tingin. “Again I’m sorry.”

“Okay na nga yun.” Lumapit ako sa kanya at sinuri yung sugat nya. “Okay ka pa ba? Gusto mo tara sa ospital?”

“Nah, yelo lang katapat nito. Halika na, ihahatid na kita.”

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon