Chapter 34
Roselle's POV
9 pm. Palabas na kami ng VIP room. Grabe yung busog ko. Sobrang sarap nga ng foods dito.
Holding hands kami habang palabas. Nginitian kami ng babae kanina.
Nung malapit na kami sa pintuan, naramdaman ko yung paninigas ni Kavs. Tinignan ko sya. Napahinto kami.
I saw that he clenched his jaw. He’s looking at the door. What’s wrong?
Tumingin din ako sa pinto. I saw an old couple. Maganda yung babae. Pero sino sya? Bakit ganun yung reaksyon ni Kavs?
Humigpit yung hawak ni Kavs sa kamay ko. Naglakad na kami ulit.
Nakasalubong namin sila. Natigilan din yung babae.
“Kavs..” narinig kong sabi ng babae. Magkakilala sila?
Lumunok si Kavs. Ang cold ng aura nya. I never seen him like this before. Who is this lady?
“Mrs. Torres. Mr. Torres.” Sabi lang nya sa dalawa at tinignan ito ng malamig. Pagkatapos, hinila na nya ako palabas.
Lumingon ako. Nakita ko na nilingon kami ng babae. Malungkot yung mga mata nya.
Sumakay kami sa kotse nya.
He breath out. Parang kanina nya pa pigil yung hininga nya.
Hinawakan nya yung manibela. Tapos binitawan ulit. Sinuklay nya yung buhok nya. Muka syang frustrated na ewan. Sino ba yung Mrs. Torres na yun?
Hinawakan ko yung balikat nya. Lumingon sya sakin at lumambot yung mukha nya. Again, he sighed. “Sorry about that.” At nagsimula na syang magdrive.
Tahimik lang kami. Nakita ko na pauwi sa amin yung tinatahak nyang daan. Nilingon ko sya. Hindi pa ako nagsasalita pero sumagot na sya.
“Ihahatid na kita.” Simpleng sabi nya.
No! hindi pwede. May kailangan akong itanong sa kanya. Hindi pwedeng maghiwalay kami ng ganito. May hinala na ako kung sino yung babae. Pero hindi ako sigurado. And besides, he needs me. Hindi ako sanay na ganito sya ka cold.
“Wala pang 12. Let’s go somewhere muna?” sabi ko. I hope he won’t turn me down.
Nagbuga sya ng hangin at iniliko sa ibang direksyon yung sasakyan.
Napunta kami sa Manila Bay. He park his car. Malapit kami sa dagat.
Nakahawak pa rin sya sa manibela kahit nakahinto na kami. Hindi din ako makapagsalita.
“Ah, kavs..” sinubukan kong basagin yung katahimikan. “Sin--.”
“She’s my mom.” Hindi ko na natapos yung tanong ko dahil sumagot na sya.
Napaawang yung bibig ko. Pero bakit Torres? Diba Santillan sila? And the guy? Yun ba yung?
“Sino yung kasama nya?” mahinang tanong ko.
I don’t want to sound so curious. But I can’t help it! I want to know everything so I can to something for him.
“That’s tito George. Her man.”
Napaawang na naman yung labi ko. Tinakpan ko yung bibig ako.
I don’t know what to say.
“After how many years? Sa ganoong sitwasyon ko pa sila makikita? Sa lugar pa na yun. Hah!” mapait na bigkas nya.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Hinawakan ko na lang yung kamay nya. Lumingon sya sakin. Pain, sadness, anger. Yan ang nabasa ko sa mata nya.
I want to cry. Seeing those kind of feeling in his eyes. It breaks my heart.
Malungot na ngumiti ako sa kanya. Umusog ako, and I hugged him.
This is the least thing I can do for him. If I can just take away his pain..
He hugged me. Isinubsob nya yung mukha nya sa leeg ko. naramdaman ko yung init ng hininga nya nung nagsalita sya.
“Thank you.” Yun lang ang sinabi nya.
I smiled. Hinaplos ko yung buhok nya.
I will do something for him. I hate seeing him sad.

BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...