Kath..

190 6 0
                                    

Roselle’s POV

 

Pasado ala una na pero nakatambay lang ako sa cottage. Nawalan na ako ng ganang lumabas. Sinipon na ko sa kakaiyak. Mukha akong tanga. Umiiyak sa wala.

Pinunasan ko yung luha ko. Biglang tumunog yung cellphone ko. Si Rona yung tumatawag.

“Hello?” Mahinang sagot ko. Sana wag nya mapansin yung boses ko.

“Hello? Bat ganyan yung boses mo? Kakagising mo lang ba? Ah, never mind. Nasaan ka?” Mabilis na salita nya.

Suminghot ako. “Nasa cottage. Bakit?”

“Naaksidente si Virg pabalik dito sa resort. Papunta na kami sa Hospital malapit sa resort. Magpahatid ka sa isa sa mga driver dyan.”

Hindi na nag- sink in sa utak ko yung iba nyang sinabi. Mabilis na naglakad na ako para maghanap ng driver na pwedeng maghatid sakin sa Hospital.

Kakaiyak ko lang pero naiiyak na naman ako. Bakit naaksidente si Virg? Hindi pa sya pwedeng mamatay. May continuation pa ang love story nila ate Rm.

Saka may itatanong pa ako sa kanya. Bakit hindi nya sinabi sakin na nadito din pala si Kavs?

Mabilis yung lakad ko at nanlalabo na yung mata ko sa luha. Kainis. Nakita ko lang si Kavs, nagiging emosyonal na ako masyado.

Dahil sa luha, hindi ko nakita yung kasalubong ko kaya nabunggo ako sa kanya.

Buti na lang nahawakan nya ako sa likod kaya hindi ako napaupo.

 

“Roselle? What happened? Bakit ka umiiyak?” tanong ni Kavs sakin.

Parang mas lalo ata akong naiyak nung narinig ko yung boses nya na nag-aalala. Pwede ba mag assume na nag aalala talaga sya?

“Si Virg… naaksidente.. pupuntahan ko sya sa Hospital..” I managed to tell him between my sobs.

 

“What? Okay. Let’s go. Puntahan natin siya.” Hinila nya ako sa wrist ko. Wala na akong nagawa. Napatingin ako sa kamay nya. Bakit nya ako hinahawakan? At bakit ba ako nag-iinarte? Kahit umiiyak ako, nagawa ko pa ring suriin yung kamay nya. Wala akong nakitang singsing. So wala pa syang asawa?

Nung papalabas na kami sa resort nag ring bigla yung phone nya. Kinuha nya sa bulsa nya yun ng hindi binibitawan ang kamay ko. Oo. Kanina wrist lang ang hawak nya, ngayon kamay ko na.

“Hello Carlo? Bakit anong nangyari?” Iritadong tanong nya.

 

Napahinto sya ng marinig yung sinabi ng kausap nya. “What? Okay. I’ll be there.”

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon