Chapter 36
Roselle’s POV
“Sorry po-.” Sabi ko sa nakabunggo ko.
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi napatingin na ako sa babae. Mommy ni Kavs!
Mukhang namukhaan nya din ako. “Iha. Ikaw yung kasama ni Kavs hindi ba?” mabait na tanong nya sakin.
“O-opo.” Nauutal na sagot ko. Ngayon ko lang napansin na hawig pala sila ni Kavs. Lalo na yung mata nila.
“Ako ang Mommy ni Kavs.” Sabi nya. Tapos naglahad sya ng kamay.
“Ah. Roselle po.” Tinanggap ko yung kamay nya. Ang lambot. Parang kamay lang ni Kavs.
“Ah. Busy ka ba?” tanong nya.
“Po? Ahh. Hindi naman po.” Sagot ko.
“Mind if I borrow your time? Coffee maybe?” nakangiting sagot nya.
Ngumiti din ako. “Sige po.”
Bukas na lang ako mag gogrocery.
Masyadong matao sa coffee shop na gusto nya kaya pumasok na lang kami sa isang Tea house na kaunti lang ang tao. Medyo sosyal din itong Tea house na pinasukan namin.
Umorder na lang ako ng milk tea. Sya naman tea lang.
May tag isang slice din kami ng strawberry cake.
“Matagal na kayong magkakilala ng anak ko?”
“Ah, classmate po kami dati nung high school. Saka po ahm Schoolmate naman po kami ngayong college.” I’m stammering! Uminom ako ng milk tea. Marahang natawa sya. Siguro napansin nyang uneasy ako.
Bakit parang pati tawa nila ni Kavs magkatunog?
“You’re his Girlfriend, right?”
Owemgee. Eto na nga ba sinasabi ko eh!
“O-opo. Ahm. pano nyo po nalaman?” ang stupid naman ng tanong ko.
“Because he broght you to his favorite resto. Nung bata sya, ang sabi nya dadalhin lang daw nya dun na babae ay ako at ang magiging girlfriend nya.” Lumungkot yung mukha nya.
Ngumiti ako ng tipid. “Favorite nya nga daw po yun.”
Imunom sya ng tea. “You know that he hates me right?”
Hindi ako nakasagot. Alanamang sabihin ko na oo?
Ngumiti sya. “He must really like you. He let you know about what he feels.”
Hindi pa din ako nagsalita. Nagpatuloy sya. “Ayaw nyang nalalaman ng iba yung nararamdaman nya. Alam ko na galit sya sakin dahil sa pag iwan ko sa kanya. Galit sya dahil basta ko na lang yun ginawa ng hindi nya nalalaman ang dahilan. Kasalanan ko din dahil hindi ko sinabi sa kanya.” Tumulo yung luha nya. Pinunasan nya yun.
“I’m sorry.” Inabutan ko sya ng tissue.
“Okay lang po.”
“How is he?” tanong nya.
“Okay naman po. Gagraduate na po kami.” Tipid na sagot ko.
Tumingin sya sa labas ng glass window. Nakaupo kasi kami sa tabi nun. Malungkot na naman yung mata nya.
Ah! Parang mata lang ni Kavs talaga. Parehas sila na malungkot. Pati tuloy ako nalulungkot.
“Sana, makasama at makausap ko na sya.” Malungkot na sabi nya.
Hinawakan ko yung kamay nya. Ngumiti sya sakin. “Dadating din po yung araw na yon.” Sabi ko.
“Salamat iha.” Ngumiti sya. “Kamusta naman sya as boyfriend?” Medyo nakangisi na sya. Totoo ba? Parang girl version nya si Kavs.
Namula yung pisngi ko. Natawa sya. “Okay naman po, makulit.”
Lumawak yung ngiti nya. “Malaki na sya talaga. Dati ako lang lang yung kinukulit nya. Ni hindi ko manlang nakita yung pagbibinata nya.” Bumuntong hininga sya. “I missed him so much.”
“Bakit po hindi nyo sya kausapin?”
“Ayaw nya akong makausap.” Simpleng sagot nya.
“Paano naman po kayo nakakasiguro?”
“I’ve tried iha. Pero sarado na ang puso nya sakin. He hates me… So much.”
“Paano naman po kayo nakakasiguro na isinara na nya ang puso nya sa inyo? Malungot din po si Kavs. I know that. Siguro po, kung pipilitin nyo magkakaayos kayo. Hindi naman po bato ang puso ni Kavs, kung susubukan at gagawin nyo ang lahat. Maayos nyo po ang problema nyo.” Mahabang sabi ko. Huli na para marealize ko na hindi ko dapat yun sinabi. Parang sinabi ko na kasalanan nya ang lahat.
Mukhang hindi naman sya nainis sa sinabi ko. “I know iha. But I still need courage. Nahihiya ako sa anak ko. dahil alam ko na may kasalanan ako.”
“Hayaan nyo po. Kukumbinsihin ko sya.”
Yes. Whatever it takes. Tutuulungan ko si Kavs. Hindi man mabuo ang pamilya nya, magkaayos lang sila ng mama nya. Okay na ako. Siguro pag nagkausap na sila, maiintindihan na nya ang lahat. Baka pati ang galit nya sa Daddy nya ay mawala. Magiging masaya na sya. Magiging masaya na sila.
“Hindi ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ngg anak ko.” nakangiting sagot nya sakin.
Ngumiti lang ako. Ang problema ko nalang ngayon ay kung paano sya kukumbinsihin na kausapin ang mommy nya.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...