Nabunggo.

249 3 0
                                    

Chapter 35

Roselle’s POV

Mahigit dalawang lingo na. Balik normal na ulit si Kavs. Makulit. Pero may isang nagpapalungkot sa aming lahat.

Break na si ate Rm at Virg. 1 week ng hindi pumapasok si Virg. 1 week na ring hindi sila tumutugtog. Naapektuhan talaga yung banda nila.

Si ate Rm, isang lingo ng matamlay. Parang zombie na sya. Hindi din sya nakakakain ng maayos.

Naawa ako kay ate. Bakit kailangan sya ulit? I heard, may fiancé na pala si Virg. Kababata nya sa America. Lory yata yung pangalan.

Bumuntong hininga ako. kasama ko si Kavs ngayon. Nasa school kami. He lift my chin. “Iniisip mo pa din si Rm at Virg?”

“I can’’t help it. Di din ako makapaniwala na magagawa ni Virg yun kay ate.”

He squeezed my hand. “I know there’s a reason behind it. Hindi pa natin alam ang side ni Virg.”

Bumuntong hininga ako ulit. “Hey! Cheer up! Date tayo?” sabi nya.

Nakonsensya naman ako. Ngumiti ako sa kanya.

Habang naglalakad kami nakita namin sila Xander at Luigi.

“Yow!” nag fist to fist silang tatlo.

“Saan punta nyo?” tanong ni Luigi.

Inakbayan ako ni Kavs. “Date. Inggit ka?”

Nagbuga ng hangin si Luigi at umiling. “Ewan ko sayo.”

Natawa ako. Naglakad na kami. Nakita namin sila Rona at ate.

“Xander!” Narinig kong sigaw ni Rona. Lumapit kami sa kanila. Mukahang doomsday yung mukha ni ate Rm. Nasaan na ba yang Virg na yan at ng masapak nga?

Kumapit si Rona sa braso ni Xander. “Inaaya ako magbigti ni Rm. Unahin mo na nga sya.”

Natawa lang si Xander. “Puro ka kalokohan. Halika na. Umuwi na tayo.”

“Uwi na agad? Ang aga pa!” Reklamo ni Rona. Nag pout pa ng lips. Hala! Bat nag-iinarte ngayon tong si Rona?

“O sige, hindi na muna, date na lang.” Hinawakan ni Xander yung kamay ni Rona. “San mo gusto?”

Lumingon si Rona kay ate. Ganun din ako.

“Oh? Okay lang ako. Sige na, makipagdate ka na. Baka hindi na yan maulit. Sulitin mo na.” Sabi ni ate Rm kay Rona. She’s trying to sound and to look okay.

“Sigurado ka? Wag ka magbibigti ha?” Sagot ni Rona.

Tumawa si ate Rm “Gaga. Ang dali mo talaga utuin. Sige na.” Humarap sya samin ni Kavs.. “Oy, iuwi mo ng maaga si Roselle ha.”

Nag salute si Kavs kay ate. “Yes ma’am!”

Parang ayaw ko na ata makipagdate ah? Pero alam ko na hindi din papayag si ate Rm. Mas gusto nya nga na wala ako sa bahay. Kasi magtatanong lang ako ng magtatanong. Ayaw din nya na naawa ako sa kanya.

“Sige na mga pre, ako na maghahatid kay Rm.” Narinig kong sabi ni Luigi.

Hinarap sya ni ate Rm “Okay lang ako. Umuwi ka na rin.”

“Hindi. May sasabihin din kasi ako sayo.” Sagot ni Luigi.

Naglakad na kami. Ano kaya pag uusapan nila ni Luigi?

“Bye!” Sigaw namin at umalis na.

Naghiwahiwalay kami pagkalabas ng school.

Nag snack lang kami ni Kavs. Biglang may tumawag sa kanya.

“Hello manang?” sagot nya.

Humito sya at pinakinggan yung nagsasalita. Katulong ata nila.

“Sige po. Uuwi ako.” Yun lang ang sagot nya at ibinaba na yung cellphone.

“Bakit daw?” Tanong ko.

“Si dad.” Simpleng sagot lang nya.

“Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ko.

“Wala naman.” I think ayaw nya talaga pag usapan. Tumango na lang ako.

Pag alis namin, sinabi ko na ihatid na lang nya ko sa Mall. Nagpumilit pa syang samahan ako. Sabi ko kailangan sya ng daddy nya. Pumayag na din sya. May bibilhin kasi ako sa grocery. Malapit na kasi yung birthday nya. Ipagluluto ko sya. Hindi ko pa nga lang alam kung ano ba.

Syempre, ipagbebake ko na rin sya. Pero ano kaya? Baka maumay na sya sa cupcake ko.

Papasok na ako sa grocery store na may makasabay akong babae. Nagkabungguan pa kami.

Natigilan ako ng makita ko kung sino sya.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon