Selos?..

382 6 0
                                    

Chapter 6

 Roselle’s POV

 

“Hoy babae!” lumapit ako kay Rona. Kausap nya kasi kanina si Ate Rm.

Ngayon na yung birthday party ni Rona. Sa likod bahay ginanap. Medyo madami ding bisita. Mga kapitbahay nila. Kami lang ang dayo.

“Maka hoy ka naman dyan!” natatawang sabi nya sakin.

Tumawa din ako at inabot sa kanya yung regalo ko. Binukasan nya. “Wow!” sabi nya. Hawak yung libro na binigay ko. Marshmallows for Breakfast yung title. Favorite author nya kasi si Dorothy Koomson.

Niyakap nya ko. “Thank you!”

“May bayad yan.” Pang aasar ko sa kanya.

“Che!” natatawang sagot din nya sakin.

Habang nag uusap kami biglang lumapit si Xander samin. Tapos na pala silang tumugtog. Iba na yung nasa stage na kumakanta eh.

“Birthday girl, sayaw tayo!” sabi ni Xander kay Rona.

Pumailanlang bigla yung tugtog na Crazier.

Lumingon sakin si Rona. Tumango ako. “Go lang.” sabi ko.

At umalis na sila sa harap ko.

Kumuha ako ng Juice. May alak din naman. Pero hindi ako pwede. May allergy kasi ako. Nakakapantal ako pag uminom ako ng alchohol.

Nakatayo lang ako sa gilid at pinapanuod yung mga nagsasayaw. Natutuwa akong makita si Xander at Rona. Alam ko may feeling sa isat isa yan. Ang mali lang, kami lang ata ang nakakapansin. Kasi parang hindi sila aware na dalawa eh.

Hinanap ng mata ko si Ate Rm, wala sya sa dancefloor. Nilibot ko yung paningin ko.

Nakita ko sya nakaupo sa malaking bato sa tabing ilog. Nag Emo na naman yung babae na yun. Baka nag away sila ni Paul. Napailing na lang ako.

Paglingon ko ulit, nakita ko naman si Virg, drummer ng Blue Jeans. May hawak syang dalawang plato at papunta sya sa direksyon ni…

Ate Rm? Wait. Kelan pa sila nagging close? Di ko pa nga nakita nag usap yang dalawa nay an eh.

Pero alam ko na crush ni Virg si Ate.

Napangiti ako. Ibang level na mga friends ko! Lumalovelife!

Uminom uli ako ng juice.

“Hi ganda.!” Lapit sakin ng nag iisang asungot.

Nakakunot ang noo  na nilingon ko sya. “Bakit?”

 

“Ouch naman, kanina bago ako lumapit ang ganda ng ngiti mo. tapos nung lumapit ako sumimangot ka na bigla.”

“Gunun talaga, kanya kanyang trip lang yan.” Pang aasar ko sa kanya.

Ngumiti sya. Ngiting parang meron na naman syang bagong nadiscover sa akin. “Kumain ka na?” tanong nya.

“Oo.” Tipid na sagot ko.

Tumingin na lang ako kila ate Rm at Virg. Ngumiti ako. Kasi nakikita ko na ngumingiti din si Ate.

“Do you like him?” biglang tanong ni Kavs.

“Ha? Who?” nilingon ko sya.

Hindi sya sakin nakatingin. “Virg.” Lumingon sya sakin. Seryoso yung mga mata nya.

Nag iwas ako ng tingin at natawa. “Bat mo naman natanong?”

 

“Kasi nakangiti ka kapag tumitingin ka sa kanya.” Hindi ko maintindihan yung tono ng boses nya.

 

“Pag ba ngumiti may gusto na agad?” nalilitong tanong ko.

“Oo. Because you never looked at me like that. Well, you hate me, right?”

Natahimik ako. “I don’t like him,okay? And I don’t hate you.”

Teka? Eh ano naman kung isipin nya na gusto ko si Virg? Teka… nagseselos ba sya?

Nilingon ko sya. Nakangiti na sya sakin. Parang ewan din to eh. Kanina ang seryoseryoso tas biglang parang tanga na ngingiti.

“Good to hear that.” Nakangiti pa ring sabi nya.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon