Chapter 20
---Roselle’s part---
Habang nakasakay kami sa elevator, yung kaba sa dibdib ko ay hindi maalis..
Nagulat ako ng hinawakan ni Kavs yung kamay ko at marahang pinisil.
“You look so nervous, may problem ba?” Concerned na tanong nya. Ayan na naman yung concerned face nya eh.
Umiling ako. “Wala. Okay lang ako.” pero ang totoo, hindi talaga..Hello! Makikita ko kaya ulit si Ian at Zen! Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon ko eh.
Mas tumindi pa yung kaba ko nung papasok na kami sa loob. Inabot ko yung invitation sa lalaki na nasa labas ng pinto at pumasok na kami..
May kanya kanya kaming upuan, syempre dalawa yung nakapangalan sa bawat isang babae. Kasi nga required ang escort. Sa lalaki naman, required din ang may date. Yung Zen na yun kasi, ang daming pauso.
Napansin ko na nung pumasok kami ni Kavs sa loob, nakuha namin lahat ng atensyon ng mga tao. O sabihin ko na lang na nakuha ni Kavs ang lahat ng atensyon. Bakit ba kasi ang gwapo nya ngayon? Well araw-araw naman.
Hinanap ko si Mary, nagtext kasi sya sakin na magkatable daw kami. Lumingon ako. Nakita ko sya na nagtaas ng kamay. Ngumiti ako at lumapit sa kanila.
Nagbeso kaming dalawa. Nag shake hands naman sila ni Kavs. Pinakilala nya samin si Clyde. In fairness kay Mary. Marunong pumili.. Mukhang magalang si Clyde.
Umupo na kami. Nung nakaupo na kami, may lumapit na babae sa amin. Si Anne. Yung alipores ni Zen back in highschool. Well. Hanggang ngayon naman yata. “Hi Kavs. Hindi kita nakilala kanina. Natatandaan mo pa ba ako?”
Tinignan sya ni Kavs at pilit na inalala. “Sorry, nakalimutan ko na eh. What’s your name again?”
Parang medyo na sad si Anne. “Si Anne!”
“Ah! Oo naalala na kita. Isa ka sa buntot ni Zen dati.”
Mukhang na-offend si Anne. Ngumiti sya ng pilit. “Ah yes. By the way, excuse me. Enjoy you night.” At nagpaalam na sya. Hinarap naman ni Kavs yung iniinom nya..
Siniko ko sya. “Bakit naman ganun yung sinabi mo kay Anne. Na offend tuloy.”
Nagkibit balikat lang sya. “Mean din naman sya dati eh.”
Tinignan ko sya ng masama.
“Okay, sorry na. Wag mo na ako patayin sa tingin.” Sumusukong sabi nya.
Magsasalita pa sana ako ng may biglang nagsalita sa stage.
Si Ian..
“Good evening batchmates! I’m Glad you came! Dapat next year pa ang reunion natin. Pero dahil marami na ang nagrerequest na ngayon na, itinuloy na namin. Besides, lahat tayo magiging busy na next year since lahat tayo ay graduating na this year… at kung next year pa natin itutuloy to, Malabo na maorganize pa namin ni Zen to dahil magiging busy na kami. You know.. Wedding.” Masayang sabi ni Ian.
Naghiyawan lahat ng tao. Mukhang lahat ng tao ay masaya sa balita. Ako lang yata ang hindi. Mapait na ngumiti ako. Umakyat na ng stage si Zen.
They look so happy.. Bakit ang unfair? Diba sila ang nanloko? Diba dapat hindi sila masaya ngayon?
Bumaba na sila ng stage pagkatapos. Nagsimulang tumugtog yung banda sa gilid. Iseserve daw muna yung mga pagkain and right after that, may games daw silang inihanda.
Nang dumating yung pagkain sa mesa namin, hindi muna ako kumuha. Nawalan ako ng gana. Nagulat pa ako ng biglang lumitaw yung mukha ni Kavs sa harap ko. “Okay ka lang ba talaga, ganda?”
Ngumiti ako. “Okay lang ako kumain ka na lang dyan.
Ngumiti sya at sinimulang lagyan ng pagkain yung plato ko. Bakit ba ang sweet sweet ng lalaki na to? Nakakainis na. Nag angat ako ng ulo, naramdaman ko kasi na parang may nakatingin sa akin, hindi nga ako nagkamali. Nakatingin sa akin si Zen. Tingin na hindi ko alam ang ibig sabihin. Nag iwas na lang ako ng tingin.
*****
“Attention everyone!” tawag ni Zen sa pansin naming lahat. “Mag start na tayo ng game!” masayang sabi nya. Tumayo kaming lahat. “Diba required ang Escort and date sa gabi na ito? Connected kasi sya sa game natin ngayon. Para lahat makasali. Here’s the mechanics, pipiringan ang girls at boys. We’ll transfer in the next room. Dahil dun nakaset ang games. Kailangan mahahanap ng boys ang dates nyo within 5 minutes. Bawal madaya. Wala dapat magsasalita sa girls. Kung sa tingin ng boys ay yun na ang hinahanap nila, they will hug her in the back while saying, “I found her!”. Okay! Let’s start!” mahabang sabi ni Zen.
Nung nagtransfer na kami ng room, nagsalita ulit si Zen. “The first one na makahanap ng tamang partner ang syang panalo.”
Palihim na umiling na lang ako. Syempre, ang KJ ko naman kung hindi ako sasali diba? Tinignan ko si Kavs. Seryoso lang yung mukha nya habang nakatingin kay Zen at nakikinig. May naramdaman ako sa dibdib ko kaya inalis ko na yung tingin ko sa kanya.
Piniringan na kami at pinaghiwa hiwalay. 3 mins lang ang paghahanap. Ang bilis lang. May narinig akong nagsalita sa tabi ko, ewan ko lang kung sino.
“Sana magawi dito yung escort ni Roselle no? Ang gwapo kasi. Okay lang matalo, basta mayakap nya ako.” kinikilig na sabi nung babae.
“Shh. Wag ka ngang maingay dyan! Marinig ka ni Roselle.” Saway nung isang babae.
“Kiber! Mukha namang hindi sila mag-on eh!”
Hindi na sumagot yung babae. Dahil pinatahimik na ang lahat.
“Okay girls! Walang gagalaw at magsasalita ha! Boys, you’re timer starts now!” anunsyo ni Zen.
Ayan na. Nagsimula na. Gusto ko pumunta sa sulok pero sabi nga walang gagalaw diba? Bakit kasi may game pang ganito?
May narinig akong sumigaw ng I found her! Mag aalis na sana ako ng blindfold pero mali pala yung lalaki. So out na sila ng partner nya.
Hindi ko gustong manalo. Ayoko kasi ng price. Ticket sa Enchanted Kingdom for 5 daw. Masyado naman atang pambata?
May nag I found her ulit. Pero mali na naman. Bakit ba sila nagkakamali? Di ba nila kilala yung kasama nila mula kanina maski sa amoy lang?
Nakayuko lang ako at tinatapik tapik yung paa ko. Ang tagal naman matapos ng 3 minutes na yan.
Napasinghap ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod ko.
I know that smell!
“Gotcha!” mahinang sabi nya malapit sa tenga ko.
Hindi ako gumalaw. Nararamdaman ko yung init ng kamay nya sa bewang ko.
“I found her!” anunsyo nya habang nakapatong yung baba nya sa balikat ko.
“Okay! Remove you’re blindfolds guys. We have a winner na.” anunsyo ni Zen.
Hindi pa rin sya bumibitaw sakin. Sya na yung nag-alis ng blindfold ko. Nilingon ko sya. Wagas yung ngiti nya. Tinignan ko sya ng masama. Kumunot yung noo nya.
Tinapakan ko yung paa nya ng takong ng sapatos ko. Napasinghap sya ay nabitawan ako.
“Aray naman ganda! Bakit mo naman ako tinapakan?” Mahinang tanong nya sakin habang sinusundan ako maglakad.
“Chansing ka kasi!”naiinis na sabi ko.
“It’s part of the game! Wag ka ng magalit.”
Tinignan ko sya ulit ng masama saka dumiretso sa washroom. Pagkapasok ko isinara ko agad yung pinto at sumandal sa pader.
Hinawakan ko yung dibdib ko. Syet. Ang lakas ng tibok. Bwisit na Kavs yun, lagi na lang ginigulo ang sistema ko.

BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...