Bukas lang?

233 4 0
                                    

Chapter 41

Roselle’s POV

“Here.” Napaigtad ako bigla. Promise, nagulat ako talaga.

Inabot kasi ni Kavs yung popcorn sakin. Nakaupo ako sa sofa nila na napakalambot. Mula sa likod ko inabot nya yung popcorn at itinapat sa mukha ko. Nakayakap tuloy sya sakin.

Pinalo ko yung kamay nya. “Ano ba? Pwede naman iabot ng maayos eh.”

Tumawa sya at tumabi sakin. Iniabot nya yung popcorn na niluto nya. Kita mo to. Maabot naman ng maayos eh. Tsumanching pa. Umiling na lang ako.

Nanood kami ngayon ng If Only. Romance-Drama to. Pero wala syang magagawa. Ito yung gusto kong panuorin.

Tahimik lang kaming nanonood. Ngumunguya kami pareho ng popcorn.

Napansin ko na ang tahimik sa bahay nila. Nakita ko na si Manang. Ang bait nya. Parang nanay na kasi sya ni Kavs.

Kanina, lumibot ako dito sa baba ng bahay nila. May mga litrato akong nakita. Pero wala ni isang litrato ni tita Jamie. Ganun ba sya kagalit sa mama nya at ni isang litrato ay wala akong makita?

Busy kami sa panonood ng tumawa sya. Hindi naman gaanong nakakatawa yung scene. “What?” tanong nya sakin wearing his wide smile.

Nagkibit balikat na lang ako. Ang laki pa din ng ngiti nya. Wala naman nakakatawa sa movie ah? Nakakakilig lang.

Pamaya maya pa, tumulo na yung luha ko. bwisheeet. Nakakahiya. Iniyakan ko yung movie. Namatay kasi yung babae nung nabangga yung taxi na sinasakyan nya. But it turned out na premonition lang pala nung lalaki yun. Hindi namatay yung babae. Parang ang lesson ng story ay pahalagahan nya yung babae bago mawalan ng panahon. Kaya nagbago ang lalaki, inapriciate nya ang lahat ng meron at kulang ang babae.

Walang tigil sa agos yung luha ko, kainis. Naramdaman ko na lumapit sya sakin. “Hey?”

Umiling lang ako at nagpunas ng luha. Inakbayan nya ako at inihilig sa dibdib nya. “Why are you girls are so emotional?” biglang tanong nya.

Hindi ako sumagot. Bakit? Emosyonal din naman ang mga lalaki ha? Takot lang sila na ipakita ang emosyon nila. Takot silang magmukhang mahina. Well infact, hindi naman yun kabawasan sa pagkalalaki nila. Mas minamahal namin ang lalaking ganun. Well, most of us. Ayaw namin sa lalaking masyadong mapagtago ng nararamdaman. Kitang kita na nga, itinatago pa. Gusto naming mga babae na nararamdaman namin na kailangan din kami ng mga lalaki. Hindi yung kami na lang ang mukhang mahina.

Natapos ang movie na hindi humupa ang luha ko. Bakit parang gripo? May pinaghuhugutan ba ko? Ang layo naman ng love story namin sa love story sa movie.

Nakakaiyak talaga yung ending ng movie. Nangyari lahat ng napanaginipan ng lalaki. Pero bumaligtad. Sya ang namatay. Pero bago nangyari yun. Nasabi nya sa babae ang lahat lahat ng nararamdaman nya.

Pinunasan ni Kavs yung mukha ko. “I hate that movie.” Nayayamot na sabi nya. Sumimangot ako. Favorite ko kaya yan. Kahit pang ilang beses ko ng napanuod. Umiiyak pa din ako.

“Bakit mo hate? Ang ganda kaya!” naiinis na sabi ko.

“Tss. I hate that because it made you cry.”

Parang na freeze yung luha at sipon ko sa narinig ko. Nilingon nya ako. “What?” naiiritang tanong nya.

Ngumiti kasi ako sa sinabi nya at nagpunas ng luha. At ang boyfriend kong gwapo ngayon ay namumula na ang mukha. Naiinis na tumayo sya. “Kuha lang ako ng drinks.”

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon