I missed him..

212 4 0
                                    

Chapter 48

Roselle’s POV

 

4 YEARS LATER……..

“Ate, wag ka nga mangalumbaba dyan. Malas sa negosyo yan. Ang aga aga eh.” Bungad ko kay ate Rm na nakapangalumbaba sa counter ng Bitter Sweet—Ang bakeshop naming tatlo nila Rona.

Hindi sya gumalaw. “Wala pa namang customer eh.” Tinatamad nyang sagot sakin.

Bumuntong hininga ako. At ibinaba yung bag ko sa counter. “Wala pa. Pero baka walang dumating kung ganyan ang aura mo. Ano ba natira mo kagabi at bangag ka ngayon.”

Umayos sya ng upo at inirapan ako. “Isang kahon ng katol lang naman. Gusto mo din?”

Umiling iling na lang ako. “Iba na yang tama mo. Padoctor ka na te. Teka, nasan pala si Rona? Late na naman yung babae na yun. Ipapatikim ko yung bago kong imbentong cake.” Pumasok na ako ng kitchen. “Tawagin mo ko pag nandyan na sya ha.”

 

Pagkapasok ko sa Kitchen ay huminga ako ng malalim at inilibot ko ang paningin ko.

Napangiti ako. hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na naitayo na namin ang pangarap naming negosyo. Ang bakeshop na BitterSweet.

Salamat sa mga magulang namin na nagpahiram sa amin ng Capital. Ngayon natupad na ang pangarap namin.

Ako ang personal na nagbebake ng mga pastries, cookies, cakes at kung ano ano pa. Kada buwan, may naiimbento akong mga bagong cakes o kahit anong sweets. Dahil paborito ko naman mag bake kaya dito ako isinaksak nila ate Rm. Si ate Rm at si Rona ang manager. Pero sa aming tatlo, si Rona ang madalas na wala rito. Hindi ko alam kung ano pa bukod sa BitterSweet ang pinagkakaabalahan nya.

Sinuot ko na ang Chef gown ko at Chef hat. Humarap ako sa table at nagsimulang mag mix ng flour at engridients. Ngayon, ibebake ko ang bago kong cake. Nung isang linggo ko lang naperfect ang lasa nito. Ipapatikim ko muna kay Rona, dahil natikman na ni ate Rm to.

I called this cake ‘Happy First.’ This cake is exclusive to couples who are celebrating their 1st daysary, weeksary, monthsary and anniversary.

Who is my inspiration on this cake. No need to ask it..

You’re done guessing? Yes. It’s him.

It’s always him..

Sa lahat ng cake na ginawa ko, sya ang laging inspirasyon ko.

Why?

Because I missed him. So much..

Pagkatapos ng paghihiwalay namin nung gabi na yun, hindi na kami nag-usap ulit..

Hindi na sya umattend ng graduation. At tuluyan na ring nabuwag ang bandang Blue Jeans. Nakakapanghinayang..

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon