By Chance..

391 7 0
                                    

CHAPTER 5

Roselle’s POV

 

---FLASHBACK-----

Nakaupo kami ni Rona sa Bleachers ng gym. Audition kasi para sa bagong guitarist ng Blue Jeans. Ang sikat na banda sa school namin na pinangungunahan ni Xander. Nag quit na kasi yung isa nilang member dahil lilipat na ng school.

 

Dahil hindi pa naman nagsisimula, nagbasa muna ako ng handouts ko. Baka kasi biglang magpa-surprise quiz yung prof. ko. Mas okay na yung ready ako.

 

Narinig ko na nagsalita si Xander. Iniintroduce na nya yung unang sasalang.

Hindi ako nag angat ng tingin.

 

Narinig ko yung intro ng By chance.

 

Hi girl you just caught my eye

 

Thought I should give it a try

 

and get your name and your number

 

Go grab some lunch and eat some cucumbers.

 

Pamilyar yung boses. Nag angat ako ng tingin.

 

Nakasalubong ko yung mata ng kumakanta. Nakatitig yun sakin habang kumakanta sya.

 

“Kavs…” mahinang sabi ko. Hala! Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit ang saya ng puso ko?

 

Lumingon si Rona sakin. “Kilala mo sya?”

 

Dun ako natauhan. Nilingon ko si Rona. “Ha? Hindi ko sya kilala.”

 

Tumango tango sya. At tumingin uli sa stage. “Eh bakit dito sya nakatingin sa lugar natin?”

 

Nagkibit balikat na lang ako.

 

Ibinalik ko yung atensyon ko sa binabasa ko. Pero na stuck na ako sa isang sentence. At wala na akong maintindihan..

 

You and I are better than sunny and cherry,

 

honey and berries

 

And you and I are better than Aladdin and Jasmine

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon