CHAPTER 15
Roselle’s POV
Two days after ng youtube thing nakatanggap ako ng tawag kay Mary.
“Hello?” sagot ko.
“Musta na? Ano? May escort ka na ba?”
“Wala pa eh.” tinatamad na sagot ko.
Nagbobrowse kasi ako sa internet. Nakakatamad ngayong sabado.
“May 5 days ka pa naman para humanap.”
“Bakit kasi may ganun pa eh.”
“Sige wag kang magsama ng escort ha, at ng ikaw na naman ang puntiryahin ng malditang Zen na yun.”
“Eh kasi naman. Wag na lang kaya ako um-attend?”
“Pag hindi ka pumunta hindi na rin ako pupunta.”
Nangblackmail pa ang gaga. “Oo na po. Pupunta na.”
“Dapat gwapo escort mo ha?”
Hindi ako agad nakasagot. Nasa site kasi ako ng youtube. May suggested video sakin. “Virg’s cheesy confession” yung title.
I opened it. Ito pala yung video ni Virg. Nanlaki mga mata ko. 2 days? 24,563 views na?
Talagang tinotoo ni Kavs?
“Hoy Roselle, andyan ka pa ba?”
“Ha? Ah oo.” Bigla akong nagka idea. “I have a date na.” nakangising sagot ko.
“Shoot!!! See you!” masayang sabi nya.
May pakinabanang pala yung kabobohan kong sinabi kay Kavs. He can be may date for the upcoming reunion. At luluwa ang mga mata ni Zen for sure. Patay na patay yun kay Kavs dati eh. At sigurado akong manggigigil si Ian. Magkaaway kasi sila ni Kavs dati.
Ang talino ko talaga!
Pinanood ko na rin yung video ng ilang beses. Para mas mabilis dumami.
LUNES. Usap usapan na sa school yung ‘confession ni Virg’. Hindi naman yun maiiwasan kasi nga sikat naman sila sa school. At dahil nga sa sobrang sikat nila wala pang 1 week pero almost 100,000 views na sa youtube yun.
So kailangan ko na ngang tuparin yung promise ko kay Kavs. Pero bakit ganun? Parang gusto ko na umurong.
“Ganda!!” sigaw sakin ni Kavs.
Kakalabas ko lang sa classroom at kakatapos lang ng klase ko. Uuwi na ako. Total wala na akong afternoon class. 10 AM pa lang.
Lumingon ako sa tumawag sakin. “Oh bakit na naman?” mataray na sagot ko.
“Nag lunch ka na?” tanong nya.
“Hindi pa.” sagot ko.
Hinawakan nya yung kamay ko. “Tara, kain tayo. Treat ko.”
Nagulantang na naman yung sisitema ko pagkahawak nya sa kamay ko. Bumitaw ako. “Ah. Sa bahay na lang ako kakain, wala na rin kasi akong pasok.”
Ngumiti sya sakin. “Wala na rin akong pasok kaya tara na?” hinawakan nya uli yung kamay ko. Ewan ko kung anong sumanib sakin at nagpatangay ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...