Karl...

196 5 0
                                    

Roselle’s POV

 

Pagkagising namin ni Rona kanina, wala na si ate Rm. San kaya yung nagsususuot?

Mag-isa ko lang na naglalakad ngayon sa dalampasigan.

Umalis din si Rona at Luigi. May sarili na namang mundo. Sinasama nila ako pero mas feel ko magsolo ngayon.

Naglalakad ako ngayon sa dalampasigan. Naka summer dress ako na lagpas tuhod.

Sa kabilang banda ng resort may mga naliligo na. Sa kabila, wala kasi nirerenovate ang mga cottage dun. Sa totoo lang, mali ang deskripsyon ni Virg dito na resort lang. Dapat island resort. Sobrang laki kasi ng sakop ng lugar. Level up na talaga sila Virg..

Naglakad ako palayo sa mga tao. Nakapaa lang ako. Masarap sa paa yung buhangin. Habang naglalakad ako, napalingon ako sa mga tao na gumagawa nung mga cottage.

Mukhang yung mga cottage na ginagawa eh pang VIP.

May isang tao lang akong napansin sa lahat ng nandun.

Naka light blue na longsleeve polo sya, slacks at helmet. May hawak syang blueprint yata yun.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya ng bigla syang lumingon sa akin.

Para akong itinusok sa kinatatayuan ko.

Nung nakita ko yung mga mata nya, nakilala ko sya agad.

 

“Kavs..”

Mahinang bigkas ko. Nananaginip lang ba ako?

Ilang Segundo din kami nagkatitigan bago nya inalis yung tingin nya sakin at ibinaling nya ulit sa kausap nya.

Wait… nakita nya ba ako talaga? Bakit wala akong nakitang rekognisyon sa mata nya?

Nagsimula akong humakbang.. pero mukhang nagpaalam na sya sa kausap nya.

Nung papalapit na ako sa kanya saka naman sya naglakad palayo.

Kahit mukha akong tanga sa gagawin ko di ko naman mapigilan yung mga paa ko. O sabihin na lang natin na gusto ko naman talaga syang makita, at makausap.

Ibig sabihin sya nga yung nakita ko noon sa tawiran? Pero bakit parang hindi na nya ako kilala. Ganun na ba ko kaganda? Hehe.

Hindi ko alam kung ano ang nag udyok sa akin para sundan sya. Pero nagulat ako ng makita ko syang sinalubong ng isang babae. Niyakap sya nito at hinalikan sa pisngi.

Nanakit ang lalamunan ko sa tagpong nakita ko. May girlfriend na sya?

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon