Chapter 43
Roselle’s POV
Cold Kavs. Yan ang nasaksihan kong Kavs sa dalawang magkasunod na araw.
Hindi na ako kinakausap. At nasasaktan ako, sobra.
“Anong drama nyo ni Kavs? LQ?” Tanong ni Rona habang kumakain kami ng snack sa canteen. 1 hour vacant before ng huling klase namin.
Bumuntong hininga ako. Katabi din namin si Xander na busy sa gitarang hawak nya.
“Hala! Mag-usap nga kayo. Para kayong mga sira.” Sabi nya pa ulit.
“Galit sya sakin eh.”
Lumaki yung mata ni Rona. “Si Kavs? Nagalit sayo? Woah! Nakakapagtaka ha.” Lagi talagang OA reaksyon nitong si Rona.
Nagsulat si Kavs sa sticker note ni Rona at iniabot nya sakin. Address ito ng isang building sa Ayala. Kumunot yung noo ko.
“Building nila Kavs. 17th floor yung office nya.”
Bumilis yung tibok ng puso ko. I need to talk to him. As in ngayon na. Tumayo ako at umalis na. Narinig ko yung sigaw ni Rona bago ako lumabas. “Hoy! Bakit nakaupo ka dyan? Ihatid natin sya! Sayang naman yung gwapo mong kotse kung hindi magagamit.” Mahabang litanya nya. Umiling na lang ako.
Naabutan nila ako nung palabas na sa gate. Humarang agad sakin yung nakakasilaw sa kintab na sasakyan ni Xander. “Hop in.”
Sumakay na ako agad.
“Wala din sense na ibinigay ko yung address nila. Ihahatid din pala natin sya.” Natatawang sabi ni Xander.
Sinapak ni Rona sa braso. “Ang dami mong reklamo sa buhay. Magdrive ka na lang.”
Sandali lang nakarating na kami sa matayog na building nila Kavs. Ganito talaga sila kayaman? Ang taas ng building nila. Siguro sa 20 na floor to.
“Goodluck bestbi!” Sigaw sakin ni Rona pagkababa ko.
Tumango lang ako at pumasok na sa loob.
“Good afternoon ma’am. Saan po sila?” magalang na tanong ng guars sa akin.
“Ah. S-sa 17th floor po. Kay Mr. Kavs Santillan.”
“Ano pong concern nila?”
“Ah, classmate nya ako. May ibibigay kasi ako sakanya tungkol sa school project namin.” Pag sisinungaling ko. Baka pag sinabi kong Girlfriend ako ni Kavs eh baka tawanan nya lang ako.
“Mag log-in na lang po kayo ma’am.”
Mabilis naman na nagsulat ako at pumasook na sa elevator.
Kinakabahan ako. Ihagis nya kaya ako sa bintana pag nakita nya ako? Wag naman sana. Masyadong mataas ang 17th floor.
Bumukas yung elevator sa 17th floor. May babae na sumalubong sakin. Nakaupo sya sa isang table sa labas ng pintuan kung saan my nakasulat na. “Office of the CEO”
“Yes ma’am?
“Ah, Si Kavs Santillan po?”
“Sino po sila?” tanong nya.
“Roselle, classmate nya po.” Kabadong sagot ko.
“Wait lang po.” May tinawagan sya sa phone. Pwede wag na ipaalam kay Kavs? Baka hindi nya ako papasukin at umuwi akong luhaan.
“Sir, Miss Roselle po. Classmate nyo daw. Should I let her in?” huminto sya at nakinig sa kabilang line. “Okay sir..” ibinaba nya yung phone.
“Ma’am, pumasok na daw po kayo.” Itinuro nya yung pintuan sa tabi ng office of the CEO. Walang nakasulat sa pintuan. Hindi na ako kumatok at pumasok na.
Nakita ko syang nakayuko at nilalaro yung ballpen nya.
“Kavs.” Mahinang sabi ko.
Nakita ko na natigilan sya.
“Ano? Kukulitin mo na naman ako na kausapin sya?” tanong nya. Pero hindi na malamig ang tono nya. Normal na lang.
Yumuko ako. Oo na. Pakielamera na ako sa pamilya nya. Concern lang naman ako eh. Mali ba yun?
“Sorry.” Di ako makatingin sa kanya. Siguro nga masyado na akong nanghimasok kaya nagalit sya talaga sakin.
Bumuntong hininga sya. Tinignan ko sya pailalim. Nakanguso sya.
Dalawang araw ko namiss makita ang mukha nyang malapitan. Medyo mababakasan ng pagkapagod yung mukha nya. Pero gwapo pa rin.
“Kumain ka na ba?” Tanong nya.
Tumingin ako sa kanya. “Galit ka pa ba? Sorry na. promise hindi ko na gagawin yun. Hahayaan na kita.”nagbaba ako ng tingin. “Sorry kung nag intrude ako sa personal na buhay mo, concern lang naman kasi talaga ako kaya ko nagawa yun. Wag ka na magalit sakin--.”
Iitinapat nya yung index finger nya sa labi ko para patigiilin ako sa pagsasalita. Ni hindi ko napansin na nakalapit na pala sya sa sakin. Naamoy ko na naman yung mabango nyang amoy. Grabe. Pwede ko na ba syang yakapin? Na miss ko sya talaga.
“Stop. I’m not mad okay?” Mahinahong sabi nya.
“Eh galit ka eh! hindi mo ako kinakausap. Tinataguan mo pa nga ako sa school eh. Yun ba yung hindi gali—.” Again. hindi na naman ako natapos magsalita.
Kanina, index finger. Ngayon yung labi na nya yung pinangtapal nya sa labi ko. Uminit na naman yung pisngi ko.
“And daldal mo.” Nakangising sabi nya pagkatapos ng magaang halik nya sakin. Kainis. Namiss ko ang lahat sa kanya. Siguro masusufucate na ako pag nawala pa sya sakin ng mas matagal. Dahil gaya ng sabi nya sakin dati, sya din ang oxygen ko. Corny ko.
“Nahawa lang ako sayo.” Ngumuso ako.
Tumawa sya. I missed his laugh too! Grabe, 2 days lang kami may LQ pero parang ang dami ko ng namiss sa kanya. Ganun ba talaga pag mahal mo? parang kahit kasama mo na siya namimiss mo pa din? Yung parang ayaw mo na syang pakawalan? Gusto mo katabi mo lang sya? Kasi ganun ngayon yung nararamdaman ko.
Niyakap nya ako. Mahigpit. Pero hindi ako nagreklamo. “Hindi ako galit sayo. Kahit kailan ay hindi ako magagalit sayo. Masyado akong busy kaya sandali lang ako sa school at mas maraming ang oras ko sa office. Kaya hindi mo ko nakikita.”
“Eh bakit nung nakita mo ako hindi mo ako kinusap?
Kahapon kasi nakita nya ako sa loob ng canteen pero bumili lang sya nga pagkain at lumabas na din. Umiyak kaya ako sa CR dahil sa ginawa nyang yun.
“Nag papamiss lang naman ako. Effective pala. Andito ka ngayon eh!” tumawa sya at mas humigpit ang yakap nya sakin.
“Bati na ba tayo?” tanong ko. yakap nya pa din ako.
“Hindi naman tayo nag-away ah.” Tumawa sya ulit. Ngumiti ako. “I missed you..” masuyong sabi nya at isinubsob pa akong lalo sa diibdib nya. Langhap na langhap ko na yung amoy nya. Hapon na pero parang bagong ligo pa rin yung amoy nya.
“Na miss din kita..”

BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...