Chapter 11
Roselle’s POV
1 week. 1 week na akong nagtatago. Tinutoo ko na yung pag iwas ko kay Kavs. Kapag nakikita ko sya, lumilihis ako ng daan. Mahirap na. Baka traydurin na naman ako ng puso ko.
Hindi din ako sumasama sa gig nila. Kapag naman nagpapractice sila sa condo ni Xander, hindi na din ako sumasama. Kung ano ano na lang dinadahilan ko.
Wala na akong klase. Naglalakad ako palabas ng school. Napadaan ako sa canteen.
Nakita ko si Kavs.
May kausap na babae. Nakangiti. Well, natural naman na nya yata yun. Syempre, good factor yun na dapat eh meron ang isang playboy.
Di ko alam kung bakit ako biglang nainis na nakikita ko syang nakangiti sa iba.
Umiling na lang ako at lumakad na palabas sa school.
Tinatamad pa akong umuwi kaya nag decide ako na magpunta na lang sa mall.
Nakakakain ako ng cake.
Wala kasi ako sa mood magbake eh. Bibili na lang ako.
Nagjeep lang ako papunta, total malapit lang naman.
Pumasok muna ako sa isang bookstore. Mamaya na lang ako bibili. Titingin tingin muna ako ng libro.
May nakita akong isa kaya naisip kong bilhin.
Palabas na ako ng bookstore ng mapahinto ako sa nakita ko.
Ian….
Mahinang bigkas ko. Parang nanikip yung dibdib ko pagkakita ko sa magandang ngiti nya. At sa babaeng kaakbay nya.
Zen…
Lumiko sila sa kanan. Hindi ko alam kung ano yung nag udyok sa akin para sundan sila. Pumasok sila sa Jewerly shop.
Patagong tinignan ko sila. Masayang namimili sila ng singsing. Parang kinurot na naman yung puso ko.
Naglakad na ako palayo.
----
Ian was my 1st boyfriend. Naging kami nung 4th year highschool. Hindi kami legal. Ni hindi nga nalaman ni ate Rm na naging kami eh. I kept it with her. Alam ko kasi na magagalit sya..
Ian was a typical playboy. Kaya nga at first ayaw ko sa kanya.
But he proved to me na sincere sya sakin. 3 months lang nya ako niligawan.
Naging kami. Sobrang saya. Oo. Nung una. Kasi talagang ako lang yung priority nya.
Pero bago kami grumaduate may kagaguhan syang ginawa.
Niyaya nya akong manood ng movie.
Akala ko sa sinehan kami ihahatid ng driver nya pero sa bahay pala nila.
Namangha ako pagkakita ko sa bahay nila. Mala mansion.
Pumasok kami sa movie room nila.
Sinalang nya yung movie na pinapili nya sakin. Nanuod kami ng Korean comedy movie.
Medyo naiilang ako dahil dalawa lang kami sa kanila. Kaya naman nagulat ako ng inakbayan nya ako at hinalikan sa pisngi.
Umiwas ako. Nagalit sya. Nagalit din ako. Bakit daw ang arte ko.
Hello? 4th year pa lang kami? Alam ko naman yung balak nya eh. At hindi ako tanga.
Umalis ako sa lugar na yun.
Kinabukasan, nakita ko nalang na kasama na nya si Zen. And according to what I heard. Mag on na sila. I mean, matagal na pala silang mag on.
Pinagpustahan lang pala nila ako. Sinubukan kung bibigay ako sa kanya.
Kahit wala namang nangyari, Hindi naman yun ang balitang ipinakalap nila sa school.
Sobrang kahihiyan ang inabot ko noon. Buti na lang may mga kaibigan at ilang kaklase pa rin ako na naniniwala sakin. At buti na lang ay hindi yun nakarating kay ate Rm. Graduate na sya that time.
Nung araw na yun ako mas nagalit sa mundo at mga lalaki.
Of all people, bakit ako pa yung naisipan nilang pagtripan. At si Zen. Sya nalang ba talaga lagi ang maiinvolve?
Bumuntong hininga ako.
Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Naiinis ako kasi wala akong nagawa dati para makaganti. Nasasaktan ako kasi niloko ako ni Ian kahit na naging tapat ako sa kanya. At naaasar ako kasi parang hanggang ngayon, dala dala ko pa din yung galit.
Dahil wala naman silang ginawa para humingi ng tawad sakin. At nakakainis na nakikita ko silang masaya..
Wala sa sariling sumakay ako sa escalator paakyat. Nagulat ako ng nabangga yung mukha ko sa isang tao.
Nasa dulo na pala ako ng escalator. Kung hindi siguro ako bumangga sa lalaki na to baka humalik ako sa lupa ng wala sa oras.
“Hi ganda!”
Nag angat ako ng tingin.
I was greeted by the boy who has the most charming smile in the world.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...