Chapter 28
Roselle’s POV
Habang nakapila na kami papasok sa hooooooooooooror house, oo, madami talagang O. Kasi naman, labas pa lang horror na talaga ang mararamdaman mo.
Malamang, horror house nga eh. ala namang makadama ako ng fairytale dito? Haha.
Namamasa yung kamay ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko parang gripo na yung tulo ng pawis ko sa kamay.
Tinignan ko yung ibang tao, lahat sila makikitaan mo ng excitement sa mukha. Ako lang ata ang negatibo ang reaksyon. Pwede pa ba tumakbo?
Nagulat ako ng niyakap ako ni Kavs mula sa likuran. Ipinatong nya yung baba nya sa balikat ko. at promise! Mas dumoble yung kaba ng dibdib ko. naghuhuramentado na yung puso ko sa kaba kanina, dinagdagan nya pa.
“Don’t be nervous. Buhay pa din naman tayong lalabas dito.” Nakangising sabi nya.
Googebumps! His voice! Bakit ba parang musika yun sa pandinig ko. Napakalamig. Kahit hindi ako nakatingin sa mukha nya, dama ko yung ngisi nya.
Inalog ko yung balikat ko. “Pwede wag clingy? Dami tao oh?”
Mas humigpit pa yung yakap nya sakin. “Don’t care. See that group of guys?” he pointed them. “They’ve been eyeing you kanina pa. It pissed me off.” Halata sa boses nya yung inis.
Tinignan ko. oo nga. Pero ano bang masama? Bawal na ba akong tignan ngayon?
Napangiti ako. Nilingon ko sya ng kaunti. Nakanguso sya. Really? Ang cute nya promise. Ganyan ba sya mgselos? Pagselosin ko pa kaya lalo? Ay. Ang sama.
“They should know that you already belonged to me.” Dagdag nya pa. Letse. I don’t like clingy people. Pero bakit natutuwa ako sa ikinikilos nya?
Gumalaw na yung pila. Pumasok na kami sa loob. Ginalaw ko ulit yung balikat ko. ibig sabihin nun, wag na nya ako yakapin. Ang hirap kaya lumakad. Hindi naman ako mawawala sa paningin nya eh.
Na gets naman nya yung gusto kong iparating. Lumipat sya sa right side ko at hinawakan yung kamay ko.
Ayan na. Ang dilim sa loob. Humigpit yung kapit ko sa kamay nya.
Oo OA ako. Pero subukan mo kaya pumasok sa horror house tapos takot ka sa horror movie?
Feeling ko ako yung bida sa mga horror films. Medyo naghiwa hiwalay na kami ng mga tao, kanya kanya na kasi kami ng pintuan na pinasukan, pero isa lang naman lalabasan namin.
Nakayuko lang ako habang naglalakad. Di ako titingin sa harap…. Di ako titingin… yuyuko lang ako… yuko lang Roselle… yuko…la….
“Ahhhhhhhh!!!” sigaw ko ng bigla akong hawakan nung multo! I mean hindi sya multo mummy sya. Pekeng mummy. Pero nagulat talaga ako. bwiset! Yung puso ko nahulog na ata. Ang dilim pa naman sa loob. Pano ko yun mahahanap?
Bumitaw ako kay Kavs at Hinawakan ko yung dibdib ko. Mahirap na, baka mahulog nga talaga yung puso ko. Si Kavs naman hawak yung tyan nya. Sumasakit na ata. Sobrang tawa nya eh. Bwiset! Pasukan sana ng langaw yung bibig nya.
Tinignan ko sya ng masama. Umayos sya ng tayo. Pero mukha naman syang natatae kasi pinipigilan nya yung tawa nya. At promise. Naiinis ako.
“Waaaaa!!!” sigaw ko ulit. May gumulat na naman kasi sakin! Bwiset!! Dwende! Dwende naman sya this time!! Ang liit liit, ang galing manakot!
Oo nga, makakalabas kami ng buhay dito sa pesteng horror house na to. Pero paglabas ko naman may sakit na ako sa puso panigurado.
At yung isa naman, si Kavs. Alam ko na ikakamatay nyan. Sobrang tawa. Kumikislap na yung mata nya. Patunay na naiiyak na sya kakatawa.
Alam na ngang takot ako sa horror diba? Pagtawanan daw ba ko? sinapak ko nga sa braso. Natatawa pa din sya na umiilag.
Napipikon na talaga ako. iniwan ko nga! Bahala ka dyan!
Naglakad ako mabilis. Total nagulat na ako ng dalawang beses, pag may gumulat ulit sakin sasapakin ko na talaga. Humanda kung sino man yun.
Sa napaka creeping lugar ako napasok. Take note. Mag-isa ko lang. bakit wala yung ibang tao? Waa! Di ko na alam san ako lalabas ulit.
Hinawi ko yung mga sapot na peke. At mga kung ano ano pang pekeng panakot. Oo, iniisip ko na lang na peke ang lahat ng ito para hindi ako matakot.
Naglakad na lang ako dirediretso. Nagsisi ako kung bakit ako nag-walk out kanina.
Napadaan ako sa nakatayong kabaong na kulay brown. Yung ganun sa mga kabaong sa palabas kung saan humihiga si Dracula. Andyan kaya sya sa loob?
Pero syempe, hindi ako magtatatangkang tignan yun. Ayoko mag ala paranormal expert na hindi na nga nagpapakita yung multo eh gusto pa nilang palabasin. Yung mga multo naman, hindi camera shy. Ayan tuloy.
Ang usok. Yung usok na artificial? Haha. Lahat talaga peke ang tingin ko. dapat lang no. pag inisip kong totoo, baka mahimatay na ko sa takot.
Naglakad na ko ulit. Biglang bumukas yung kabaong!!
And swear! Nahulog na ata yung puso ko talaga!
May kalansay sa loob! Waaa!! Bakit hindi sya mukhang peke?
Tumili ako at mabilis na lumakad. Hawak ko yung laylayan ng damit ko. at totoo, umiiyak na ko sa takot.
Pesteng Kavs! Asan ka na ba, sabi mo hindi mo ako bibitawan? Bwisit.
Napunta ako sa mas madilim na lugar, halos wala na akong makita. at ang ginaw sa loob. Natatakot na ko talaga. Kavs… peste kang lalaki ka. Nasan ka na ba?
And in an instant. Naramdaman ko na may yumakap sakin at may ipinatong na jacket. Hindi ko na nagawang tumili dahil nanghihina na ako sa takot. At hindi ko naman kailangang tumili dahil kilala ko yung amoy na yun.
“Sshhh. I’m here.”
And the lights opened.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...