He Hates it..

444 5 1
                                    

Chapter 2

 Roselle's POV

Maaga uli akong pumasok. Kahit ni reject nya yung cupcake ko last week. Gumawa ako ulit. 4 days din sumama yung loob ko sa kanya kaya 4 days syang walang cupcake sakin.

Pero hindi ko naman sya matiis kaya ginawan ko sya uli.

Nailagay ko na sa sa locker nya yung cupcake at isinara ko na. May note uli akong inilagay.

Kahit hindi mo kainin okay lang. Basta wag ka na uli malulungkot ha? Nalulungkot din kasi ako pag nalulungkot ka. Always smile ha? Sayang naman ang pagiging cute mo kung malulungkot ka.”

--R

 

Saktong pagkasara ko. May narinig akong nagsalita.

What are you doing on my locker?”

Nanigas ako. Si Kavs! Nahuli ako. Patay!!!

Dahan dahan ako lumingon sa kanya. At ngumiti ng tabingi.

 

“Ah.. tinignan ko lang yung picture na nasa labas.”

Kumunot yung noo nya. “I saw you opened it.”

Ehe.” Kinakabahang sabi ko. “Nakabukas kasi nung nadaanan ko. Kaya isinara ko lang. ah. Sige. Aalis na ako.” Tumalikod na ako at naglakad.

Pinigilan nya ako sa kamay. Muntik na akong mapatili sa pagkagulat. “Lagi kong nila-lock yan. Sino ka ba?”

Humarap ako sa kanya. Ang gwapoo shems! Nakasukbit sa isang balikat nya yung backpack nya. Tapos meyo messy yung pagkakaayos ng buhok nya. Nakabukas din yung butones ng polo nya. Pero may sando sya sa loob.

Wingayway nya yung kamay nya sa mukha ko at binitawan ako.

Napakurap kurap ako. Ano ba yan. Nakakahiya yung mga pinaggagagawa ko.

“Ah. Eh. Rose ang pangalan ko.”

“Rose? Wait, Ikaw yung araw araw na nagbibigay sakin ng cupcake?”

Ha? Anong cupcake?”  pagmamaangmaangan ko.

“Wag ka ng magmaang maangan dyan, I saw you.”

Nag-peace sign ako at inilagay ko yun sa tapat ng mukha ko. “Guilty.”

Why?” tanong nya.

Anong why?”

“Bakit mo ako binibigyan ng cupcake araw araw?”

Hala! Anong sasabihin ko?

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita.

“Ano? Bakit nga?”

Bumuntong hininga ako. “Because…” pumikit muna ako. “ I like you.”

Pagkasabi nun yumuko ako. Hinihintay ko yung galit na boses nya. Pero hindi din sya nagsalita. Dahan dahan akong tumingin sa kanya.

Parang nag iisip sya. Ewan ko kung ano.

Umatras ako. “Nasabi ko na ha? Aalis na ako.”

Wait!” pigil nya.

Lumingon ako. “Bakit?” kinakabahang tanong ko.

“Kung ganun, bakit apat na araw ng wala kang binibigay na cupcake?”

Nagulat ako sa tanong nya. Hinihintay nya yung cupcake ko?

Humarap ako sa kanya. “Eh kasi, nakita kita last time. Iniwan mo lang basta yung cupcake. Kaya nainis ako sayo. Pero hindi ko naman matiis kaya dinalhan kita ulit.”

Nakita mo ko?”

Oo.”

“Wag ka na uling magdadala. Kahit kailan.” Malamig na sabi nya.

Nagulat ako at napatingin sa kanya. “B-bakit.”

Naging mapait yung mukha nya. “Because I hate it.

Napanganga ako. “O-okay..” mahinang sabi ko. Nangilid na yung luha ko. Lumunok ako para pigilan yung pagtulo nun.

Tumalikod na ako.

Pagtalikod ko tumulo na yung luha ko. Binilisan ko yung lakad at pumasok agad sa classroom ko at dumukdok sa armchair.

Bakit ganun sya? Ang sakit nya magsalita.

Pero bakit kahit nasasaktan ako hindi ko magawang magalit sa kanya?

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon