Chapter 32
Roselle's POV
6 pm nakauwi na ko ng bahay.
Dumaan pa kasi ako ng mall eh. Bumili ako ng regalo.
May 1 hour pa ako para magprepare para mamaya.
Ano kayang dapat kong isuot?
Di manlang nya kasi sinabi kung ano bang meron eh.
Naghanap ako sa cabinet ko ng damit.
Isang simpleng floral dress yung napili ko.
Sleeveless sya pero magka-cardigan na lang ako.
Nagpowder lang ako at nag apply ng manipis na nude pink lipstic. Ayoko magpabongga.
Wala pang 7 pm, kinatok ako ni ate Rm sa kwarto ko.
“Andyan na Prince Charming mo.” Nakangising sabi nya sakin.
Ngumiti ako. Lumingon pa ako ulit sa salamin bago lumabas.
Nasa tapat pa pala ng kwarto ko si ate. Nihead-to-foot nya ko. “Perfect!” masayang sabi nya at itinulak na ako sa sala kung saan nandoon si Kavs.
Tumayo sya at tinitigan ako. Parang nag-slomo ata?
Tumikhim si ate Rm. “11 pm Kavs, hatid mo na ha?”
Ngumisi si Kavs. “Pwede 12?” Tawad nya.
Umiiling si ate Rm.
“Sige na ate.” Hirit ko.
Bumuntoong hininga sya. “Kavs, 12 in the midnight ha? 12.” Ulit nya at pumasok na sa kwarto nya.
Malaya ako makipag date ngayon kasi wala sila mama at papa. Nasa Cavite sila kung saan may isa pa kaming bahay.
“Let’s go!” masayang sabi ko sa kanya at kumapit na sa braso nya.
Tumawa sya. Ayan na naman yung tawa nya na nakakahalina.
“You’re so beautiful tonight.” Sincere na sabi nya habang palabas kami ng bahay. “Well, palagi naman.” Nagkibit balikat pa sya.
Ngumiti lang ako at sumakay na sa kotse nya.
Masyado na talaga akong feeling prinsesa pag kasama ko sya. Kasi laging lumlabas yung gentleman side nya. And I love it.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
Roman d'amourQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...