Chapter 47
Roselle’s POV
Hindi kami nag-uusap ni Kavs habang nasa labas kami ng emergency room. Nakaupo ako sa plastic bench, sya naman ay nakatayo at nakasandal sa pader malapit sa pintuan ng emergency room.
Nakatingin lang ako sa kanya.. Ito yung araw na ikinakatakot ko. Yung araw na wala na akong maaninag sa mata nya. Para na syang tao na walang emosyon..
Nagulat ako ng bigla syang lumingon sa akin.. ang walang emosyon na mukha nya ay biglang napalitan ng sakit at galit..
“Kavs..” mahinang tawag ko sa pangalan nya.
“You know that it hurts when I see her. Pero palagi mo pa rin syang inihaharap sakin.”
Lumunok ako. “I just want to help..”
“You crossed the line! There are things na hindi dapat pinapakielaman.” Madiin na pagkakabigkas nya.
Yumuko ako. “I know.. but I cared for you.. kaya gusto kong tumulong.”
“Humingi ba ko ng tulong?”
“Hindi.. pero nakikita ko na kailangan mo ng tulong.”
“Kung kailangan ko, hihingi ako. Hindi mo kayang intindihin na ayoko syang makita?
Ayoko pa! dahil hindi ko pa kaya! Dahil pag nakikita ko sya bumabalik lahat ng sakit.. Kakausapin ko sya kapag kaya ko na. Kero pinangungunahan mo ko lagi.”
Ngumiti ako ng mapait. “Sorry ha? Nag-aalala lang naman ako sayo eh. Kasi mahal kita. Sorry kung naging pakielamera ako. Sorry kung pinilit kita sa bagay na ayaw mo. Sorry kung nanghimasok ako sa buhay mo. Hayaan mo, ito na ang huli.”
Nakita ko ang pagkalito sa mukha nya. “What do you mean?”
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “Maghiwalay na tayo.” Matigas na sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko nakaya na ilabas ang mga salita na yun mula sa bibig ko.
“What?!”
Tumayo ako sa bench. “Itigil na natin kung anong meron tayo Kavs..”
Lumapit sya sakin..
“What are you saying?” parang naguguluhan pa ring tanong nya.
Nagiwas ako ulit ng tingin. “Di mo ba naiintindihan? Mag break na tayo.”
Hinawakan nya ako sa kamay. “Why?” mahinang tanong nya..
“Hindi na kita kilala Kavs. O siguro ikaw talaga yan? Nagtatago ka lang sa mga ngiti mo? I’m trying to help you but you always say no. Ano pa ang silbi ko sa buhay mo kung hindi mo naman pala kailangan ng tulong ko?”
Lumambot yung anyo ng mukha nya. “Don’t say that. I need you..”
“Do you really need me? Bakit hindi ko nararamdaman? Bakit kapag sinusubukan kong tumulong itinataboy mo ako?” Tumulo yung luha ko. “Ayoko na Kavs.. maghiwalay na tayo.”
Nakita ko na tumulo din yung mga luha sa mata nya. I need to do this. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Dahil baka mabawi ko lahat ng sinabi ko. Kailangan kong makipghiwalay sa kanya. Dahil hanggang nasa tabi nya ako, hindi nya maayos ang iba nyang problema.. masyado na kaming nagiging kampante sa isa’t isa. Mas lalo syang napapalayo sa mga bagay na dapat ay nilalapit nya sa sarili nya.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomanceQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...