Roselle’s POV
Kaninang umaga nilibot namin yung resort. Yung kalahating part pala nito ay nirerenovate pa.
Nung hapon na, nag swimming kami. At nung nag gabi, nag gawa kami ng bon fire.
Pinalibutan naming anim yung bonfire at nag ihaw kami ng marshmallow..
“Nakakamiss yung ganito no!” biglang sabi ni Rona. “Parang nung college days lang kapag magkakasama tayo.” Malungkot na ngumiti sya.
“Oo nga. Kaso kulang na tayo.” Sagot ko naman.
Nakakapanghinyang ang lahat. Sana kung maibabalik lang lahat no? Yung maitatama ang lahat ng pagkakamali.
“Hoy! Bawal ang emo dito! Nilulunod!” sabi naman ni Luigi.
“Heh!” sabay na sabi namin nila Rona.
“Palibhasa ikaw nakasama mo si Rona ng matagal kAya hindi ka nalulungkot.” Dugtong ko pa.
Pagkasabi ko nun, napatingin si Kae kay Rona. Tapos kay Luigi. Wait. May something ba? May something akong napapansin sa mata ni Kae. Nagseselos sya?
Napangiti ako. Mukhang dalawang love life ang mabubuo ditoo sa lugar na to ah.
Pamayamaya pa, nag suggest si Kae na mag-spin the bottle na lang daw kami. Never pa ako nakapaglaro nito kaya go ako agad.
“Okay. Kung sino ang nag spin, sya ang magpapapili kung truth or dare. Ang matuturo ang syang sususnod na mag i-spin. Okay ba yun?” sabi nya.
“Okay.” Chorus na sagot namin.
Inikot na nya yung bote. Kay Rona natapat.
“Truth or dare?” tanong ni Kae.
Nag isip si Rona. “Truth.”
Nagisip din si Kae ng pwedeng itanong. “Kapag nagkita uli kayo ng dati mong minahal. Anong gagawin mo?”
Saglit na natigilan si Rona. “Hindi ko alam. Siguro let’s cross the bridge when we get there na lang. Mahirap sabihin eh.”
Tumango tango si Kae. “Okay. Pwede na.”
Si Rona naman yung nag spin. Kay Luigi natapat. “Truth or dare?”
“Dare.”
Nag isip si Rona. “Kiss Kae’s forehead”

BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
Roman d'amourQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...