Roselle’s POV
Nagtatawanan na kami nila Virg sa kwarto nya. Nandito na si Ate Rm.
At take note. Okay na sila. I mean. Okay na okay na. Nagulat pa kaming lahat ng may singsing na si ate Rm sa kamay nya. Umalis kasi kami kanina, para bigyan sila ng privacy. And they announced na ikakasal na sila. Oo. Agad agad. Ganun siguro ang true love.
Hindi na ako magtataka kung bakit ganun kabilis tinanggap ni ate Rm ulit si Virg sya buhay nya. She loves Virg. As simple as that. Wala ng maraming tanong. Papahirapan pa nila yung mga sarili nila? Eh alam naman nilang sa huli, sila pa din talaga.
Minsan kasi mahirap kalabanin ang tadhana. Medyo madaya kasi itong makipaglaban. May mga bagay na akala mo ayos na. Na akala mo nasayo na. Pero magugulat ka na lang na kinuha na yun ng tadhana sayo ng wala kang kalaban laban. Masakit, oo. Kasi malakas ang kalaban mo.
Pero minsan, sasaktan tayo ng tadhana sa umpisa para may bagay tayong matutunan. Kapag natuto na tayo, saka tayo ulit susubukin ng tadhana.
Kagaya ng nangyayari sakin ngayon.
Bumuntong hininga ako. lumingon ako sa kanila.
Masayang nagtatawanan sila, biglang may pumasok sa kwarto.
Si Kavs. Si Karl at si .. Kath.
Ano to? KKK? Susugod na ang katipunero! Humanda ka Roselle! Harangan ang puso. Wag hayaang mawasak sa tagpo.
“Tito Virg!!!!!” Sigaw ni Karl at tumakbo kay Virg. Natatawang sinalubong ni Virg si Karl ng yakap nang sumampa yung bata sa kama.
“Hey kiddo!” Natatawang bulalas ni Virg.
Nakaupo lang ako sa sofa na katabi si Rona na nagse-cellphone. Nung dumating kasi si Ate Rm bumalik kami sa resort para kumuha ng ilang gamit. Kaya nakuha na nya yung charger nya. Katabi nya si Luigi na nakaupo sa arm rest.
“Pare! Masamang damo talaga mahirap mamatay.” sigaw ni Kavs at nag fist bump sila. Tumawa lang si Virg. Wala sigurong energy makipag-asaran.
“Virg.” Sabi naman nung Kath at ngumiti lang.
Di ko mapigilang hindi mainis. Sino ba tong Kath na to? Bakit ang ganda nya? Ano sya ni Kavs? Girlfriend?
Lumingon si Karl sa akin tas lumingon kay Kavs. “Tito Kavs, she’s the girl in the bakeshop right?” Tanong nung bata na ang tinutukoy ay ako.
Lumingon sakin si Kavs. Lingon na parang wala lang. Teka. Kanina lang nag-aalala sya diba? Ang bilis naman magbago ng emosyon nya.
“Yes baby. That’s her.”
“She’s pretty. She looks like the girl you’re telling me.” Cute na sabi ni Karl.
“Telling you?” tanong naman ni Virg
“His angel.” Inosenteng sagot ni Karl.
Ngumisi si Virg at lumingon sakin. “Did she look like an angel to you?” mapang-asar na tanong ni Virg kay Karl. Itinirik ko lang yung mata ko sa tanong nyang mapang-insulto.
“Yes. She’s an angel. She let me drink her Mango shake a while ago. And she really looks like tito Kavs’ Angel. ” sagot ng ingleserong Karl.
“Ah, baby. Let’s go outside muna? I’ll buy you shake?” singit ng nakangiting si Kath. Bumaba si Karl at excited na kumapit sa kamay ng mama nya. Napangiti ako. Ang dali talagang i-please ng mga bata.

BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomansaQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...