CHAPTER 16
Kavs' POV
NAPANGITI AKO NG HINAYAAN NYA LANG AKO HAWAKAN YUNG KAMAY NYA HABANG PALABAS KAMI NG SCHOOL.
Ipinagbukas ko sya ng pintuan ng kotse ko. Nakita ko na inilibot nya yung mata nya sa loob ng sasakyan ko.
“Iba na talaga ang mga mayayaman.” Umiiling na sabi nya.
Umupo na ako sa driver’s seat. Nilingon ko sya. “Gusto mo bang magjeep na lang tayo?” tanong ko. Baka kasi hindi sya komportable sumakay sa sasakyan kasama ako.
Nagbago yung ekspresyon ng mukha nya. “Hindi naman yung ang ibig kong iparating. Sige na, magdrive ka na dyan. Saan ba tayo kakain?”
Nakahinga ako ng maluwag. Gusto ko kasing maging komportable sya.
Ngumiti ako. “Basta.”
Nagkibit balikat lang sya at tumingin sa labas ng bintana.
Tumingin muna ako sa kanya bago nagsimulang magmaneho.
Hindi ko alam na dadating din yung araw na hindi ako mahihirapan na kumbiinsihin syang sumama sakin.
Pitong taon.. pitong taon ang nagdaan. Akala ko hindi ko na sya uli makikita pagkatapos ng nangyari nung highschool namin..
---FLASHBACK---
Our Lady of the Sacred Heart Academy, 2003
“Pa, papasok na po ako.”
Tumango lang si papa. Nakaupo na naman sya sa bar counter ng bahay namin at inaalmusal na naman ang alak.
Ilang bwan na syang ganyan.
Nagkaganyan sya simula ng iwan kami ni mama at sumama sa iba.
Laging busy si papa sa negosyo namin kaya madalas na wala syang oras para sa amin. Pero kapag may pagkakataon naman sya, sobra sobrang saya naman namin kapag magkakasama.
Naiintindihan ko si papa. Dahil para sa amin din naman yung ginagawa nya..
Isang araw narinig ko na lang silang nagtatalo. Kakagaling ko lang sa school noon. Bitbit ang isang kahon ng cupcake.
Hindi ko alam kung ano nag dahilan pero nagmamadaling lumabas si mama sa kwarto dala ang mga gamit nya.
“Ma..” tawag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Whatever (Completed)
RomansaQuestion: Paano kapag um-effort ka ng bongga sa highschool crush mo pero wala lang sa kanya? At paano kapag narinig mo sa iba na sinasabi nya na kahit kelan eh hindi ka nya magugustuhan? Anong gagawin mo? Roselle: Simple. Move on na te! Layuan sya...