She likes me..

360 4 0
                                    

CHAPTER 19..

 Kavs' POV

Pagbukas nya ng pinto, biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Aatend kami sa High School Reunion ng School namin. Hindi ako invited dahil lumipat ako ng school noong 2nd year highschool.

Aatend ako ngayon bilang escort nya.

Nung tinanong nya kung pwede daw ba nya akong maging escort, umoo na ako bigla dahil baka magbago pa yung isip nya..

 

She’s so beautiful tonight. She’s wearing a Black tube dress. Sandali akong napanganga sa kanya.

Tumikhim ako bago nagsalita. “Let’s go?” inilahad ko sa kanya yung braso ko.

Ngumiti sya at kumapit na rin sakin.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko nagyong gabi. Ni sa panaginip hindi ko naisip na magkakalapit kami ng ganito… sa pangarap oo, pero sa panaginip, hindi..

Naaalala ko pa yung araw na nakita ko yung sakit sa mga mga mata nya…

---FLASHBACK---

 

Maaga na naman akong pumasok. As usual. Ganun na naman si papa nung iniwan ko sya. Inaalmusal na naman ang alak. Nakakapagod sya tignan sa ganung sitwasyon..

 

Dumiretso ako sa locker ko pagkarating ko sa school..

 

May nakita akong babae na nagsara nun..

 

Kilala ko sya.. si Roselle.. schoolmate ko.

 

Wait, binukasan nya yung locker ko?

 

Saktong pagkasara nya ng locker, bigla akong nagsalita.

 

What are you doing on my locker?”

 

Nakita ko na natigilan sya..

 

Dahan dahan syang lumingon sa akin. At ngumiti ng tabingi.

 

Natigilan ako sandali.. Bakit ang ganda ng ngiti nya kahit tabingi?

 

“Ah.. tinignan ko lang yung picture na nasa labas.” sabi nya.

 

Kumunot yung noo ko. “I saw you opened it.”

 

“Ehe.” Kinakabahang sabi nya. “Nakabukas kasi nung nadaanan ko. Kaya isinara ko lang. Ah. Sige. Aalis na ako.” Tumalikod na sya at naglakad.

My Sweetest Whatever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon