Chapter 9: Losing Focus
Alex’s POV…
Pinatawag kaming mga Blood Bat ni Ultrababe. Kelangan daw naming magpractice eh.
Bukas na nga pala yung race. Ba’t parang di ako kinakabahan?? (-_-)? Eh mga weeklings lang naman yung mga makakalaban ko eh. Yakang-yaka.
Isa lang naman ang pinaka-aabangang laban pag ganitong event eh. Yung laban ni Nicolai tska nung t@r@nt@d*ng Von. Tsk. Pag naaalala ko yung pag-aangas na ginawa niya kanina kumukulo dugo ko eh. Puro hangin nasa ulo. Magkakaalaman na lang kung sinong mananalo bukas. -_-
Nandito nga pala kame ngayon sa Silverstone Race Track. Dito kame madalas mag-practice. Minsan nga tambayan na namen to eh.
Hinahantay lang namen matapos mag-warm up tong si Ultrababe tas kame deretso practice na kame.
Kung nagtataka nga pala kayo kung sino si Ultrababe at kanina pa ko banggit ng banggit sa kaniya… Siya lang naman ang leader ng club namen. Ang Kings of Speed Club. Ultrababe codename niya. Babae siya pero boyish. Hindi siya mahilig sa mga masyadong girly na bagay. Astig nga eh. \\m// Ibang-iba sa mga babaeng nakilala ko.
Kung tatanungin niyo naman ako kung saang club member si Von… Member siya ng Road Killers’s Club. Rival ng club namen. Yung club lang naman namen ang laging naglalaban eh. Dikit lagi yung oras pag may race. Palibasa mga nasa top 5 fastest car racing club.
Sa ngayon, nasa top 1 yung club namen, top 2 naman yung Road Killers. Ewan ko lang kung anong mangyayaring pagbabago bukas. Pero may tiwala ako sa grupo ko. Alam kong kaya namen.
*****
Tapos nang mag-warm up si Ultrababe… At isa lang ang ibig sabihin nito, kelangan na naming magpractice.

BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Teen FictionAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...