Chapter 61: Cannot Be

3.6K 19 2
                                    

Chapter 61: Cannot Be

 

 

Alex POV

 

 

Tss. Bad trip! Ang hirap tanggapin na natalo kami ni Winner Beater na yun!

At ang masaklap pa, pumapangalawa na lang kami ngayon sa top racers in the country.

 

 

Hindi mapakali si babe. Balak niyang puntahan si Born Rascal para magyaya ng rematch.

“seryoso ka babe? Ano na lang sasabihin nun? Na nagmamakaawa ka para lang sa rematch?” sabi ko. Napatingin lang sa akin sila Gab.

Pinagbakasyon muna namin si Nicolai. Mas mahirap yung pinagdadaanan niya ngayon dahil sa pagkatalo niya.

Pinagtutulungan namin na maayos yung problema, pero hindi ko nagustuhan yung idea ni babe na siya pa mismo yung lalapit sa gag*ng yun para magyaya ng rematch!

“desperada na ko Alex! Ayokong mawala na lang bigla ang mga pinaghirapan ko!”

“kami rin naman babe eh, pero hindi sa ganitong paraan!”

Bigla na lang kinuha ni babe yung bag niya at lumabas.

“dre, sundan natin si babe, baka kung anong gawin sa kanya ng Born Rascal na yun!” –Gab

Sinundan na agad namin si babe sa labas. Pasakay na siya sa kotse niya nung abutan namin.

“babe, sasamahan ka namin” huminga muna siya bago niya kami pasakayin sa kotse niya.

Pagdating sa headquarters ng Road Killers, bakas sa kaligayahan nila ang kanilang pagkapanalo.

Puno lang naman ng balloons yung office nila. Tss. Ang corny. Palibhasa kasi ngayon lang nila akmi natalo ng ganito.

Agad na pumunta si babe kay Rascal at nagyaya ng rematch.

“easy babe, hindi pa nga umiinit sa mga kamay namin yung victory eh tapos rematch agad? Why don’t you guys, accept the fact na kami talaga ang magaling when it comes to race” ngumisi pa siya.

Nilapitan niya si babe, ini-angat niya ang ulo nito at hinalikan siya sa labi.

Pinunasan naman agad ni babe ang kanyang labi.

Paris’ POV

 

 

Hindi pa rin kami nakakapag-usap since what happened last night.

I know what he’s undergoing right now, alam kong mahirap, iintindihin ko nalang siya.

Tinry kong tawagan siya kagabi pero hindi niya sinasagot yung mga tawag ko.

Pumasok pa rin ako ngayon kahit na hindi ko rin siya makikita dito.

Sabi kasi ni Alex, pinagbakasyon daw muna nila ito para makapag-unwind.

Naglalakad na ako papunta sa room namin ng makita ko si Von na naka-upo sa may bench.

Hala siya. Kahapon pala nilibing si tita, hindi man lang ako nakapunta. Si kuya kasi eh, ayaw na kong payagan na magkaron pa ko ng connection sa kanya.

Tinawag ko agad siya “Von!” tumingin siya sakin at ngumiti. Pero kahit na nakangiti siya, bakas pa rin sa mga mata niya ang lungkot.

“sorry hindi ako nakapunta sa libing” sabi ko nung nakalapit na ko sa kanya.

“okay lang”

“kamusta ka na nga pala?”

“eto, trying to be okay, ikaw? Balita ko natalo daw yung boyfriend mo ha”

“ah, ayun, hindi pa rin kami nakakapag-usap pagtapos nun---” naputol yung dapat na sasabihin ko sa kanya.

Nakita ko kasi si Nicolai na nakatayo malapit sa amin.

Akala ko ba nagbakasyon siya? Anong ginagawa niya dito?

Napatingin din si Von sa direksyon kung nasaan si Nicolai.

“Nic---” tumayo ako pero hinawakan ni Von yung kamay ko. Pinigilan niya kong lumapit kay Nicolai.

Inalis ko yung kamay ko kay Von para lapitan si Nicolai pero tumalikod na ito at naglakad na palayo.

Oh my! Dumagdag pa ata ako sa mga problema niya. tch. -__-

a/n: waahhh ang bagal ko gumawa ng update! Yan lang muna for now. Gagawin ko na agad yung mga kasunod. ^^v

You Drive me Crazy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon