Chapter 66: Number One
School Fair namin ngayon kaya naman required kami na magsuot ng civilian!
I texted him na ngayon namin susuotin yung couple shirt para naman cute kaming tingnan sa school mamaya.
Pero hindi siya sumagot. Parang ayaw niya talaga sa shirt. -.-
Di bale, ako na lang ang nagsuot. Sayang naman yung bili ko dito.
“nice shirt Par, yan ba yung couple shirt niyo ni Nicolai?” sarcastic Trish! Palibhasa sila mga naka-porma. Ako naka-short lang tapos naka-chucks.
“inggit lang kayo! May couple shirt kasi kami! Kayo wala!” pagmamayabang ko sa kanila
“ano ka ba Paris, magiging couple shirt lang yan kapag sinuot din ni Nicolai yung kanya” pagsalungat ni Cathy sa sinabi ko
“susuotin niya yun ngayon, nag-usap na kami kagabi” pagsisinungaling ko.
“are you sure Par? Look what Nicolai’s wearing today” hinarap ako ni Sophie dun sa pinto. Papasok na ng room ang BB.
Ang init-init naka-hoodie siya? Pft.
Hindi ko siya pinansin kahit magkatabi pa kami sa van.
Papunta kami ngayon sa EK. Alam naming boring yung magiging fair this year kaya naman naisipan namin na mag-punta na lang sa EK.
Bumili na ng ticket yung mga boys.
Pagpasok sa loob kanya-kanya na kami. Sila Cathy pumila agad sa Space Shuttle, sila Sophie nowhere to be seen, sila Trish naghihilahan sila ni Migs. Takot kasi si Migs sa heights tapos sila Elise naman nag-libot lang.
Wala pa ring pansinan. Basta hinila na lang niya yung kamay ko at pumila kami sa Rio Grande.
Hala, eh di ba eto yung mababasa ka? Bakit dito pa niya pinili na sumakay? Okay pa kung eto yung last eh.
Puro bata yung kasama namin. Opposite yung inupuan namin para daw proportion.
Nakakatuwa yung mga bata, trip nila yung shirt ko. Ang cute daw. Tapos kapag pinipicturan ko sila ngumingiti naman sila.
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
Teen FictionAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...