A/N: BELATED 7TH MONTHSARY SA YDMC!!! SORRY LATE UD. DAMI KASI GINAGAWA EH. CHOS! SANA MAGUSTUHAN NIYO. =)))
Chapter 54: Bagiuo Trip
Kyaaaaa!!!!! Hindi ako nakatulog kagabi dahil na-excite ako sa pagpunta sa Bagiuo. WAHAHAHA.
Ayun, tinawagan ko na nga pala siya, kinamusta ko lang tapos nun wala na. HAHA. Nako, bahala na mamaya kung mag-ka-ilangan nanaman ulit kami.
Basta ang mahalaga ngayon is, magpapaalam ako kay daddy. Dahil hindi pa rin nila alam na aalis ako ngayon. Yikes.
Lumabas muna ko sa kwarto ko. Dumiretso ako sa office ni daddy. Minsan kasi dun siya natutulog eh kapag sobrang busy siya sa work.
Pagpasok ko sa loob, wala siya. Pumunta din ako sa kwarto niya pero wala din siya dun. Pati si mommy wala. Huh? Nasan sila?
Tinanong ko si yaya na nagtitimpla ng coffee sa kitchen, “yaya, where’s daddy?”
“hindi ko po alam miss Paris, baka po nandun sa secret room” oh. Tama! Hindi ko pa napuntahan yung secret room.
Naka-lock naman siya. At wala talaga kaming duplicate ng key sa secret kwarto na ito. Si daddy lang yung may hawak nun. Ewan ko ba kung ano yung meron sa loob ng kwarto na ito at bawal kaming pumasok dito. Tch.
Dinikit ko yung tenga ko dun sa pintuan. Wala akong naririnig. So wala si daddy dito. Paano na to? Aalis na ko maya-maya. Hindi naman pwedeng umalis na lang ako basta at daanin sila sa text. For sure magagalit lang sila sakin.
Pagbalik ko sa kitchen nakasalubong ko si kuya Spane.
Tch. Halatang kakarating lang niya galing sa bar ah. di muna nagpalit ng damit.
“kuya!” nagulat ang loko. Wahahahaha. Natapon sa table yung kape niya.
“ano ba! Ang aga aga nangugulat ka!” HAHAHAHA. Natatawa pa rin ako.
“nakita mo sila daddy?” nag-stay lang ako dun sa tapat niya
“wala! Nag-out of town! Bakit ba?” iritableng sagot niya sakin
“easy lang kuya, wag kang bv. Magpapaalam sana ako eh”
“bakit? San ka pupunta?” tumingin siya sakin
“sa Bagiuo”
“ano?!” binagsak niya sa table yung cup ng kape
Nagulat ako sa reaksyon ni kuya. “anong gagawin mo dun?” tanong niya
“wala, bakasyon, kuya, payagan mo ko please. Ngayon na yung alis namin”
“what?! Ngayon agad? Bakit ngayon mo lang sinabi?”
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya “biglaan eh, sige na kuya, please” nilambingan ko yung boses ko para pumayag siya
At nagtagumpay ako! Pumayag na si kuya. Yehey!
Umakyat agad ako sa kwarto ko at kinuha na yung bag ko. Nandiyan na daw kasi sila sa labas eh.
Sumama sakin si kuya sa paglabas. Sinalubong agad ako ni Alex.
Binuksan niya yung pintuan sa likod ng van, kinuha niya yung bag ko at nilagay yun dun tapos binuksan niya yung pintuan sa harapan.
Wait, ang daya naman ata yun, bakit sa harap ako uupo? Ayoko katabi yung driver!!!!
“good morning po” bati ni Alex kay kuya
Nag-nod lang si kuya tapos biglang bumukas yung pintuan ng van at kumaway si Trish sa kanya.
BINABASA MO ANG
You Drive me Crazy [COMPLETED]
أدب المراهقينAno na ba mga nagawa mo just to achieve love? Be the dream girlfriend/boyfriend and have a perfect relationship? Iba- iba nga ba tayo ng perspectives and techniques when it comes to love? Hmmm.. Let's ask the opinions of the ballerina and the car ra...